9 : Warning, Advice

0 1 0
                                    

"Argh!" inis kong ungol sabay bato ng hawak kong throw pillow sa pinto ng bahay ko.

"Ayos lang iyan, kuya, makaka-get-over ka rin," sabat bigla ng kapatid kong si Rick. Hindi na ako sumagot sa kanya, nakakainis lang. Na-detain ba naman kasi ako ng  halos dalawang oras? Nakita kasi ako ng mga pulis noong palabas na ako sa lugar na iyon at tinutukan pa ako ng baril, akala nila'y kasamahan ako ng grupong hinuli nila sa building kanina dahil sa isang buwisit na um-oo nang tanungin ng pulisya. Walangya iyon. Buti na lang at nilabas din ako dahil napatunayan naman na hindi talaga ako kasabwat.

Pero si Addie...iyong babaeng sinundan ko kanina, hindi ko na siya nakita pagkatapos niyang pumasok doon sa building. Ayos lang kaya siya? Hindi ako mapakali.

"O, kuya, sa'n ka?" tanong ni Rick nang tumayo ako't akmang lalabas na ng bahay. Pero diri-diretso lang ako sa paglabas at hindi na siya pinansin.

I have to go to her.

I want to see her.

Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako palayo sa bahay namin nang makita ko na siyang papalapit.

"A-Addie?" nakahinga ako nang maluwag nang masilayan ko siya na okay. "Thank God you're-"

Ngunit bigla na lang niya akong hinila sa kamay at pinapunta sa likod niya. Muntikan pa akong masubsob sa lupa kaya ikina-inis ko iyon. "Ano bang-"

Pero natigilan lang ulit ako dahil may sinusuntok at sinisipa nang lalaki si Addie na mas matangkad at mas malaki pa sa kanya na may hawak na kutsilyo!

Pero ilang saglit lang ang kinailangan niya upang i-disarma mula sa lalaki ang patalim at patumbahin ito.

"Tumawag ka ng pulis," utos niya pagkuwan habang hawak-hawak na ang lalaki sabay tutok na rin mismo ng patalim ng lalaki sa leeg nito. "Bilis!"

"O-okey," napasunod na lang din ako't tumawag nga ng pulis.

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na huwag kang mangialam?" Sumbat niya pagkuwan pagkatapos kong mag-report.

"A-ano ba'ng ibig mong sabihin?"

"Huwag ka munang pumasok," pero iba ang sinabi niya. "Or better yet, mag-bakasyon ka muna."

***

My One-minute Night AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon