11 : Traumatized

0 1 0
                                    

"Kaya nga sinabi ko na sa 'yo na huwag ka nang papasok..habang hindi pa nila alam na may mga nakita ka na," pangaral ni Addie sa 'kin habang sakay kami sa kotseng dala niya papunta sa amin. "Tapos nagpagabi ka pa sa eskuwelahan, at tinayming mo pa talaga sa nakatakdang transaksiyon nila. Hanep ka rin, ano."

Pero ewan at hindi ko magawang sumagot sa kanya. Hindi pa nga ako masyadong naka-get-over mula doon sa pagkakakulong ko. Tapos, ito naman ang nangyari. Oo at ipinagpapasalamat ko talaga na buhay ako ngayon at walang nangyaring masama sa akin. Utang ko kay Addie ang buhay ko. Pero hindi pa rin ako mahimasmasan sa mga nangyari, hindi pa rin nawawala ang takot ko. Siguradong hindi ako makakatulog nito.

"Rhys?" halos mapatalon ako sa gulat sa tawag na iyon ni Addie sa 'kin at sa paghawak niya sa balikat ko.

Dagling nilingon ko siya. "B-bakit?"

Ilang saglit niya akong tinitigan. Kalauna'y binaba niya na ang kamay na nasa balikat ko saka bumaba ng kotse. Lumibot siya patungo sa side ko't pinagbuksan ako.

"Narito na tayo."

Sumilip ako sa labas at nakitang nasa harapan na pala kami ng bahay ko. Kaya bumaba na rin ako sa kotse. Pero sa pagtapak ko sa lupa ay nawalan bigla ng lakas ang mga tuhod ko kaya inakala kong babagsak ako sa kalsada. Pero naging maagap sa pagsalo sa 'kin si Addie. At dahil hindi pa rin ako makabawi ng lakas ay napaupo rin ako nang tuluyan sa kalsada. Pero hindi ako binitawan ni Addie.

She.....embraced me.

Pinasandal niya ang ulo ko sa bandang leeg niya at hinimas ang likod ko. "You're safe now. Hindi ka na dapat pang matakot."

Pero hindi ako sumagot.

"Relax, Rhys..." Napapikit ako't tuluyan nang sumandal sa kanya. Gusto kong ipaubaya muna ang sarili ko sa yakap niya. I know, I know, pananamantala ito pero gusto ko rin talaga siyang mayakap nang ganito. Kahit sandali lang.

"Dito ka muna....please," I even asked out of my mind. At doo'y hindi agad siya sumagot. Bagaman naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

"Okay," she gently whispered then that startled me. "As you wish."

***

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now