Chapter 18: Caught in the Act... AGAIN??

Start from the beginning
                                    

Kinabukasan din noon ay hindi ko na ginising si ate mika at umalis na lang akong magisa papuntang school. Naiinis kasi ako ehh. Hindi ako galit kay Ate mika tampo lang.

Habang naglalakad ako ay nadatnan ko si Ralph na may nakasaksak na earphones sa magkabila niyang tainga at tumatango siya na para bang sinasabayan niya ang beat ng music.

Tinapik ko siya sa balikat niya at tinanggal niya agad ang earphone sa may kaliwang tainga niya.

"Ohhh, Cyril.." Mahina at tipid niyang sabi sa akin.

Mukhang hindi natulog ang isang ito at magang maga ang mga mata niya malaki rin ang mga itim na nasaibaba ng kanyang mga mata.

Habang naglalakad kami ay tinanungan ko siya kung nagkausap na ba sila ni Michelle at ang sagot niya..

"Tinatawagan niya ako ng ilang beses kagabi pero hindi pa ako handa sa mga sasabihin niya Cy, Parang natatakot ako sa mga sasabihin niya." Malungkot na sabi niya.

"Pero tol kailangan niyong magusap pakinggan mo muna ang side niya baka valid naman ang reason niya hindi ba..?" Pagchecheer up ko sa kanya.

Napatigil sa paglalakad si Ralph sa sinabi ko at hindi siya sa akin nakatingin kundi sa may harap niya kaya napatingin na rin ako sa harapan namin at nandito ang taong kanina pa namin pinaguusapan.

"Ralph..." Mahinang sabi ni Michelle at parang maiiyak siya ulit sa pagkakabanggit ang sa pangalan ni Ralph.

Tinignan ko si Ralph sa tabi ko na may blankong ekspresyon sa kanyang pagmumukha.

"C-can we talk?" Nauutal at kinakabahang sabi ni Michelle sa kanya.

Parang ekstra lang ata ako rito ehhh. Tinapik ko agad ang balikat ni Ralph at bumulong sa tainga niya.

"Oras na ralph, Be ready..." Pagkatapos ay iniwan ko na silang dalawa doon.

<Rioma's POV>

Lunch break na at ang kasama ko ngayon ay si Rain. Hindi pumasok si Mika ngayong araw na ito ahhh..

"Baka busy?" Agad na tanong ni Rain sabay kagad niya sa hamburger na kinakain niya.

"Hindi ko alam ehh.. Kahit may sakit iyon pumapasok siya pero ngayon..." Natigil ako sa pagsasalita ng umupo sa may tabing upuan ko si Cyril at nilagay ang try na may Hamburger, Fries at isang large Coke sabay tingin sa akin.

Napatigil na rin sa pagkain si Rain at tumingin na rin kay Cyril na ngayon ay nakatingin lamang sa pagkain niya.

"Sinabi ko na kay ate mika ang nakita natin kahapon." Mahina niyang sabi na ikina gasp ko at takip sa bibig ko sa sobrang gulat.

Si Rain naman na nabilaukan sa sinabi ni Cyril, agad niyang kinuha ang juucie at sabay lagok nito.

"Ahem.. B-bakit mo naman sinabi?" sabay punas ni Rain sa bibig niya.

"Hindi ko na napigilan Rain, At sinabi na niya rin sa akin na Mahal na niya talaga si rex." sabay buntong hininga nito.

Nalaglag na ang hawak na burger ni Rain sa gulat.

"Imposible.." bulong kong sabi.

Napakatagal na katahimikan ang buluga sa aming tatlo, Ang maririnig mo nalamang na tunog ay ang mga kalansag ng mga plato at kutsara na ginagamit ng mga kumakain dito sa cafeteria pati narin ang pagtsitsismisan ng bawat table na malapit sa amin.

Napatalon ako sa gulat ng biglang ibagsak naman ni ralph ang pinagkainan niya sa may harap namin at umupo sa katabi ni Rain.

Isa rin itong problemado at halata naman kasi sa pagmumukha niya ehh.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now