Chapter 6:Hate or Love

208 3 1
                                    

Chapter 6: Hate or Love

<Cyril’s POV>

“ate mika!”

Napatigil ako sa kinatatayuan ko at nagulat ako sa nakita ko.

Si ate mika..

Nakayuko at pumapatak ang pulang tubig sa damit niya.

“mga walang hiya kayo!”-sigaw ko sa sobrang galit..

Sinugod ko yung lalaking pumukpok sa kanya sa kanyang ulo at sinuntok ito ng ilang beses hanggang sa magdugo na ang mga kamay ko ng dahil sa pamamaga ng mukha niya..

Ayokong tigilan ang lalaking ito..

Sinaktan niya si ate mika..

Patuloy parin akon sa pagsuntok ng may maramdaman ako may humahawak sa magkabilang balikat ko..

Hindi ako nagtangkang lumingon dahil hindi pa ako tapos sa isang ito..

“hey, Cyril tama na! mamamatay na yang binubugbog mo ehh..”

Alam ko ang boses na iyon ay galing kay Ralph..

Paano napunta si Ralph dito..

Hingal ako ng tinigilan kong basagin ang pagmumuha ng lalaking iyon..

Napaangat ako ng ulo dahil hinahabol ko ang paghinga ko..

At para narin marelax ang sarili ko..

Tumayo ako sa pagkakauupo ng aking mga tuhod sa sahig..

Tumingin ako sa likuran ko at nandito sina Ralph, rain,rioma at si kuya jon.

Si raplph na nakapat sa balikat ko na parang pinahihinahon ako.

Si rain at rioma na inaalalayan si ate mika na nakatayo at nakatingin sa akin ng may blanking expression sa kanyang mga mukha.

Si kuya jon naman ay hawak si rex sa magkabilang balikat niya.

Yung 2 pa na lalaki na may hawak na dos por dos nakahandusay na sa sahig.

“chill tol, huminahon kalang.. wag papatense..”-mahinahong sabi ni Ralph..

“ok ka lang mika??”-alalang tanong nirioma kay ate mika..

Lumapit ako kay ate mika at tinignan ang dumudugong ulo niya..

Napuruhan siya sa likod ng ulo niya dahil hindi naman niya nalaman agad na may papalo sa kanya..

“baliw ka ba rex??!! May gana kaang pumatol sa babae.. bakla ka ba? O wala kana talagang galang kahit kanino??”-paniniyremon ni kuya jon kay rex.

“tsk! pakialam mo ba ha?! Tsk..”tapos tumingin sa ibang direksyon si rex..

Agad na sumugod si rain kay rex at kinuwelyuhan niya ito..

“g*go ka! Ano bang ginawa sayo ni mika para saktan mo siya ng ganito ha?! T*rant*do ka!”-tapos sinuntok ni rin si rex..

“stop it!”natigil kaming lahat sa kinatatayuan namin sa biglang pagsigaw ni ate mika na nakatingin sa buhangin.

Nabuntong hininga siya at nag Death glare siya kay rex na ikinagulat at ikinalunok ni rex.

Napangiti ako dahil umiitim nanaman ang aura ni ate mika..

Eto na siguro ang pinakanakakatakot na aura na napansin ko sa kanya..

Hindi lang lamig ang mamaramdaman mo may pagkahalong init at takot..

Nanlilisik ang mga ni ate mika papalapit kay rex at ng magkaharap na sila ay ngumisi si ate mika at sabay suntok nito sa mukha niya..

Napahiga sa sahig si rex sa lakas ng suntok ni ate mika..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now