Chapter 7: Ana

226 3 0
                                    

Chapter 7:Ana

<Rain'sPOV>

Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ng g.gong iyon. Ewan ko ba pero hindi talaga ako mapanatag..

Alam kong seryosong siya sa sinabi niya at iyon ang hinding hindi ko hahayaang mangyare..

Kung sino man siya hindi niya makukuha sa akin si mika.

"ok na ba si mika?"-agad na tanong ko kay cyril ng makarating na siya sa room.

Agad siyang umupo sa katabing upuan ko at umub-ob.

Mukhang puyat ang isang ito.

"oo, ok na siya.."-hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil mahina ito at nakaub-ob pa siya sa mesa kaya kulob ang boses niya. Isabay mo pa ang antok niyang boses.

"ehh bat parang hindi ka nakatulog?"-balik ko na tanong sa kanya..

Inangat niya ang mukha niya at humarap sa akin..

Halata nga sa kanya ang hindi pagtulog ng sapat na oras.. Ang laki ng mga nasa ibabang mata niya at para siyang bangag.

"ehh binantayan ko kasi si ate mika ehh.."tapos kinamot niya ang ulo niya..

Napangiti ako sa sinabi niya.

Eto ang maganda kay cyril kahit may tampo siya kay mika hinding hindi niya ito pababayaan..

"dapat tinawagan mo ako para ako nalang ang nagbantay sa kanya.. papasok ba siya ngayon?"-alalang sabi ko sa kanya..

"ehh yun na nga ehh.. nagpupumilit ba namang pumasok kahit na nahihilo siya at sariwa pa ang namamagang sugat sa likuran ng ulo niya.."-tapos ay umub-ob na ulit siya sa mesa niya.

Nako. napakatigasin talaga ng ulo ng babaeng iyon.

Nang mag lunch break na ay agad akong pumunta sa building ng course nila at hinintay silang makalabas.

Nang mapansin ko siya ay akay akay siya ni rioma na para bang malapit na siyang himatayin.

Pumasok ako agad ng lumabas ang professor nila at hinawakan siya sa balikat niya.

"bat pumasok ka pa kung hindi mo pala kaya?"-agad kong tanong sa kanya..

Inangat niya ang ulo niya at nag death glare sa akin.

Natakot ako bigla.

Hindi ko inakala na magagawa pa niya akong pagtulsikin ng mata kahit na may sakit siya.

Tinanggal niya agad ang pagkakahawak ko sa balikat niya pagkatapos kinuha ang bag niya sa may desk at iniwan kaming dalawa ni rioma doon na nagaalala.

"ang tigas talaga ng ulo niya sobraa..."-inis pahayag ni rioma..

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti..

"ehh ganyan na siya ngayon, hindi na siya ang mikang dati nating kilala.. at tanggap ko na kung ano man ang ugali niya dahil siya parin si mika na minahal ko at mamahalin ko."-tapos ngumiti ako ulit sa kanya at umalis sa room nila.

Nagikot ako sa school para hanapin siya.

Saan nanaman kaya nagpunta yun?

Hingal ako napadpad dito sa may field at nakikita ko rito mula sa malayo ang mga naglalaro ng soccer.

Nagpalinga linga ako, parang nararamdaman ko na nandito siya ehh..

"Hey, rain!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin at siya yung captain nila cyril.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now