Halloween Special Chapter

395 4 1
                                    

Halloween Special Chapter :)

 <A/N: Tinry ko po ulit mag sulat ng nakakatakot kaso di ko alam kung nakakatakot.. :D kayo nang bahala hahaha.. namiss ko kasi bigla si mika ehh.. :))>

<Cyril’s POV>

“tara libot tayo!”-masayang sabi ni Ralph..

Nandito kami ngayon sa St. John University at kakatapos lang namin na mag enroll..

Nakakagulat noh pati si Ralph nakapasok sa isang elite school ehh di ba mabababa ang mga grades niya..

Ginalingan niya kasi mangopya nung entrance exam ehh.. :D

“oo nga, libutin natin ang new school natin..”-nakangiting sabi sa amin ni rain..

Tumango nalang ako at naglibot kami sa loob..

Honestly, malaki talaga siya siguro triple ng laki ng school namin dati tapos every course iba iba yung building..

“ayun yung building ng mga Architecture!”-sigaw ni Ralph..

Yup, Architecture po ang course na kinuha ni Ralph..

Sabagay magaling naman siyang magdrawing ehh..

“hey, ayun yung laboratory science nila ohh..”-tapos tinuro ni rain yung isang building na para sa medical courses..

BS Biology naman ang kinuha ni rain..

At ako??

Secret! Haha.. de joke lang..

BS Microbiology naman ang sa akin..

Sorry ha? Kung mahirap ang course na kinuha, actually gusto ko talagang maging scientists kaso wala pang course na ganun dito sa school na ito ehh.. mahirap pa daw kumuha ng ganung course kaya Microbiology na kinuha ko..

Pumunta kami sa soccer field dito sa may bandang likuran ng school at napa “WOW” ako sa sobrang lawak nito..

Tapos ay naglakad pa kami ng sobrang haba ng mapadpad kami sa isang building na feeling ko lumang luma na..

May kadena kasi ang main door niya pagkatapos ay may nakalagay na “DO NOT ENTER”

Hanggang second floor siguro itong building na ito..

“cy, nakakatakot naman ang building nay an, para kaninong course kaya yang building nayan??”-tapos ay pumunta pa sa likod ko si Ralph..

“tsss,, bakla ka ba?”-pangaasar ni rain..

Napatanggal sa pagkakahawak ni Ralph sa damit ko at nag death glare kay rain..

“mamatay ka sa death glare ko!”-tapos ay tinaas pa niya yung dalawang kamay niya na parang pang zombie tapos ay lumapit siya kay rain..

Ginawa lang ni rain ay binatukan niya si Ralph na ikina “Aray” niya..

Natahimik kami ng may marinig kaming sigaw sa mismong loob ng building..

Tumaas ang mga balahibo ko ng marinig ko ang nakakatakot na sigaw na iyon..

Nagtinginan kaming tatlo at pinipigilan ni Ralph na sumigaw sa sobrang takot.

Ni isa sa amin walang gumagalaw..

Napa gasp si rain na ikinataka namin..

Nakatingin kasi siya sa mismong building kaya napatingin na rin kami ni Ralph..

“WAAAAHHH!!!!”-sabay sabay naming sigaw at tumakbo kami ng sobrang bilis..

Nang nasa may soccer field na kami ay nagbagal na kami sa pagtakbo at hinawakan ko ang dibdib ko..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now