Chapter 18: Caught in the Act... AGAIN??

157 2 1
                                    

<Cyril's POV>

"Arghhh!!!!" Sigaw kong sabi sabay tapon ng bag ko sa kama ko. 

Umupo ako sa kama ko pagkatapos ay inihilamos ko ang mukha ko ng dalawang kamay ko. 

Nakakairita na nakakagago lang ang lalaking iyon. Sino siya para pagsamantalahin niya ng ganon si Ate mika? Hindi pa siya nakuntento at pati si michelle dinamay niya.

*Tok Tok*

Napataas ako ng ulo sa sobrang gulat ng marinig ko na may kumakatok sa may pintuan.

Agad akong tumayo at batid sa mukha ni Ate mika ang pagtataka. Napabuntong hininga nalamang ako.

Gusto kong sabihin sa kanya iyong nakita namin pero may ibang side sa utak ko na nagsasabing huwag kong sasabihin at hindi ko naman alam ang rason kung bakit ayaw ko itong ipasabi.

"A-anong kailangan mo ate?" Cold at malalim kong sabi.

Tumingin lang siya sa akin ng makahulugan na para bang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

"Nagkita kayo ni rex."

Hindi ito patanong at parang alam na alam niya na nagkita kami.

"Oo, kanina." Pagkatapos ay yumuko ako. Sasabihin ko na ba sa kanya? 

Oo Cyril, sabihin mo na para matauhan na yang kakambal mo.

Hindi Cyril, wag mong sasabihin hayaan mong siya mismo ang makaalam ng magisa. Mas masakit kung sa iba pa niya malalaman.

Pero Cyril sabihin mo na para makatulong sa kakambal mo na isang manloloko ang minahal niya.

"Arghh!!! Tama na!" Malakas at naiimbyerna kong sigaw sabay bagsak ko pintuan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko pero gustung gusto kong sabihin ka ate mika. 

Binuksan ko ulit ang pintuan at nagpasorry ako kay ate mika dahil sinarhan ko siya ng pintuan.

"Ate may sasabihin ako sayo, Pero please maniwala ka naman sa akin dahil kakambal mo ako." Pagmamakaawa ko na sa kanya dahil naninigurado na ako na baka nga hindi maniwala ulit sa akin si ate mika.

Tumango lang siya ng mabagal pagkatapos ay huminga na ako ng malalim sabay tigin ng diretso sa mga mata niya.

"Ate, nakita namin kanina si Rex sa may Restaurant kasama si Michelle. Masaya silang kumakain ate mika." Halata sa mga mata ni ate mika ang gulat pagkatapos ay nagiwas siya ng tingin sa akin.

"Nagalit si Ralph sa nakita niya kaya sinugod niya agad ang dalawa buti nalamang at hindi niya sinaktan si Michelle at Rex." Pagpapatuloy ko.

Nagbuntong hininga si ate mika at at ngumiti ng pilit.

"You know Cyril, I love him... Kung si Hiro minahal ko noon mas doble ang pagmamahal ko kay Rex."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ate mika. Hindi to maari..

"K-kahit ginag*go ka niya mamahalin mo parin siya?! ate naman masyado kanang nagpapabulag sa pagmamahal mo sa kanya! Kahit kami tinatalikuran mo na ng dahil lang sa kanya. Ganoon mo na siya kamahal? sobra naman ata iyon ate!" sabay tawa ko ng may pagkasarkastiko.

"Sabagay parang mas mahal mo na siya kesa sa akin na kadugo't laman mo pa." Iiling iling kong sabi sabay sara ko nang pabagsak sa pinto.

Hindi ko na kinaya.. Oo kakambal ko siya at nirerespeto ko siya bilang ate ko pero sa ginagawa niya para na ring pinipili niya ag g*gong iyon kesa sa amin.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now