Chapter 17: Caught in the Act

128 2 1
                                    

<Cyril's POV>

"Next week na ang tournament natin kaya dapat lagi kayong kumakain ng maayos at bawal ang masyadong pagpupuyat. Pinaexcuse ko na rin kayo sa mga Profeesors ninyo para makapaghanda na tayo sa tournament...." Ani ng Captain namin sa amin.

Tatlong araw na rin ang nakaraan simula ng inimbestigahan namin si Rex at parang normal lamang ito na hatid sundo kay ate mika pagkatapos minsan magdadate sila at wala naman masyadong nangyayareng hindi maganda.

"Ok, meeting adjourned..." Pagkatapos ay nagsitayuan na kaming lahat sa aming mga pagkakaupo. Medyo namanhid pa nga ang paa ko ng dahil na rin siguro sa matagal na pagkakaupo. Naka indian seat lamang kasi ang upo namin.

"Tara Cy, magiimbestiga pa tayo hindi ba?" Tumingin ako kay Ralph na ngayon ay hawak na ang bag niya na nakasakbit sa kaliwang braso niya.

Tumango lang ako sa kanya at nagpaalam na rin kami sa mga iba pa naming mga kasama at pagkalabas namin ng gym ay nandoon na si Rioma sa may gilid at may nakasaksak na earphones sa mga tainga niya.

Lumapit kami sa kanya at ng maaninag na niya siguro ang presensya namin ay agad niyang tinanggal ang earphones niya pagkatapos ay humarap sa amin sabay ngiti.

"Tara na." Banggit niya kaya sabay sabay na kaming naglakad.

3 araw na rin kaming ganito ang set up. Hindi sumasabay si Rioma kay Ate mika dahil baka malaman pa niya na iniimbestigahan namin si rex at baka sugurin niya pa si Riom.

Hindi lang iyon sinabi na rin ni Rioma sa amin ang pagbabanta ni Rex sa kanya.

"Hey! Magiimbestiga nanaman kayo?" Napatingin kami sa pamilyar na boses na narinig namin at lumapit sa amin si Rain na ngayon ay ok na at alive na ulit.

Alam din niya na iniimbestigahan namin si Rex at naikwento na rin din niya sa amin ang tungkol kay Ana.

"Sama ka?" Tanong ni Ralph sa kanya.

Inayos ni Rain ang dala niyang bag at sinakbit ito ng maigi.

"Oo naman.." Pagkatapos ay ngumiti siya.

Naglalakad kami palabas ng School ng biglang tumigil sa paglalakad si Ralph pagkatapos ay nagsalita siya.

"Wait lang.." napatingin kaming lahat sa kanya ng nakakunot ang mga noo.

Seryoso ang mukha na nakatingin sa mga paa niya at para bang may malalim siyang iniisip.

"Anong problema Ralph?" Agad kong tanong sa kanya.

Inangat niya ang ulo niya sabay sabing... "Saan pala tayo pupunta?"

Napataas ang kilay ko at napalaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Rioma naman nangiti ng malapad at eto namang si Rain ay tumawa ng malakas.

"Oo nga naman san naman tayo pupunta ni hindi natin alam kung asan ang dalawa??"Tawa paring sabi ni Rain.

Lumapit si Rioma kay Ralph sabay sabing.."Tumatalino ka na Ralph!" Pagkatapos ay tumalon ito para guluhin ang buhok ni Ralph.

"Hey! Wag mo nga guluhin buhok ko!" Sigaw ni Ralph pero nakangiti siya habang sinasabi niya ito.

"Wait tawagan ko si Ate.." Banggit kong sabi sabay kuha sa phone ko at tinwagan siya.

Nakakapanibago na rin ngayon na gamit na niya lagi ang phone niya dati hindi naman niya ginagamit ito pero ngayon halos hindi na niya mabitawan ang phone niya sa kamay niya.

"Hello ate?" Agad kong sambit. Pero wala nanaman akong nakuhang sagot.. Hay...

"Kasama mo ba si Rex ngayon ate.?" Tanong ko sa kanya at nag "Yeah"  siya nang mahina.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now