Chapter 16: Investigation

150 3 2
                                    

<A/N: Hello po! :) Sorry po sa sobrang tagal na update.. :) Kakatapos lang po kasi nang Defence namin sa Thesis kaya nakakaluwag na ako.. Pero May FINALS pa kami nex next week so lubos lubusin na update.. hahaha>

<Rioma's POV>

 "Mika what if, Hindi ka talaga gusto ni Rex?" Tanong ko sa kanya habang nagsusulat ako ng lecture namin sa Chemistry.

Napansin ko na napatigil siya sa pagsusulat kaya napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nasabi?" Malamig at nakakakilabot na sabi niya sa akin na ikinalunok ko.

"Ahmm, Wala naman.. Basta tandaan mo mika nandito lang kami nina Cyril para suportahan ka sa mga desisyon mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Wala naman akong magawa kung talagan gusto niya sa Rex ehh.. Alam ko na maling mag judge nang tao pero nakita ng dalawang mata ko at narinig pa ng tenga ko kung paano sinabi ni Rex na pinaglalaruan lang siya  ni Mika.

Tumango lang siya at nagsimula nanamang magsulat.

Sana malaman ni Mika yung totoo. Sa tamang panahon.

Nang pauwi na kami ay humiwalay na ako ng landas kay mika at magisa na akong naglalakad sa isang daan na puno ng mga taong hindi ko naman mga kilala.

Habang naglalakad ako pauwi ay may nasulyapan ang mga mata ko na isang pamilyar na tao na nakaupo sa starbucks ng magisa.

Hindi ba sa Micah iyon?

Pumunta ako sa lugar kung nasaan siya at ng mahalata na niya ako ay nung una nagulat siya pero ngumiti rin siya.

"Ohh, Rioma andito ka pala? Dito samahan mo ko" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Umupo ako sa katapat na upuan sa kanya.

"Soo, Ahmm.. Bat wala ka pala kahapon sa laban?" Tanong ko sa kanya.

"Wait Ayaw mong mag order?" Pag iiba niya ng topic at tinawag niya yung waiter na malapit.

"Anong gusto mo ako nang magbabayad." Nakangiti niyang sabi.

"Kahit ano nalang." Sabi ko sa kanya.

Nang nasabi na niya dun sa waiter na inorder niya ay humarap na ulit siya sa akin.

"Actually, Nasa school ako ehh.." Sagot niya habang hinahalo niya ang inumin niya.

Hanggang gabe nasa school siya? Ehh nagstart nga yung laban ng 10 nang gabi ehh..

"Huh? Gabi na nasa school ka pa?" Agad kong tanong sa kanya.

"Meron kasi akong iniimbestigahang tao ehh.." Seryoo niyang sabi.

Napakunot bigla ang mga kilay ko ng sinabi niya iyon..

Nagayos ng upo si micah at prang may ibubulong siya.

"Si Rex.." Mahina niyang sabi sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"P-pareho tayo.." Agad kong sabi..

"Napaghahalataan ko na kasi na may iba siyang balak kung bakit niya ginawang Girlfriend si Mika ehh." Mahina at malalim niyang sabi.

"Talaga?!" Malakas na sabi ko.. Kaya napatingin ang ibang mga tao rito sa lugar namin.

Kaya nagsorry ako sa kanila. Naku Face Palm nakakahiya kaya yun.

"Sayo?" Agad niyang tanong sa akin.

"Ahh, Niloloko kasi niya si mika ehh.. Nakita ko siya nung minasn na nasa bar at sinabi niya na pinagalaruan daw niya si mika. Ehh eto namang si mika gusto na ata niya yang si Rex kaya ayaw niyang bitawan." Pagkatapos ay kinamot ko ang batok ko sa sobrang inis.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now