Chapter 40: Last Chapter (Part 1)

406 5 3
                                    

Chapter 40: Last Chapter (Part 1)

 <sorry po if late UD.. nagkasakit po kasi ako ehh.. :))>

<Mika’s POV>

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng aking palda pagkatapos ay denial ko ang number ni michelle.

Itong best friend kong yan talaga inis na inis sa akin.

Aakalain nanaman niyan niya ako ang may pakana sa nangyare sa daddy niya.

Hindi ako iyon, seryoso. Si rica ang may kasalanan nun.

Nandito ako ngayon sa may pool sa complex dito ko gustong magpakita sa kanya para iexplain ang lahat.

Paniguradong may balak siyang hindi maganda sa akin, matagal na. kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan para saktan niya ako.

Wag lang niya subukang saktan ulit sina Cyril kung hindi gaganti na talaga ako sa kanya.

Sa totoo lang iniisip ko sa sarili ko, bakit hindi ko siya kinayang gantihan?

Hanggang pisikal ko lang siya sinaktan pero never kong sinaktan yung malapit sa kanya.

Pero sabi naman niya lahat nalang daw ng meron siya kinukuha ko.

Hindi ko alam kung ano iyon, kung si Ralph naman hindi naman ng dahil sa akin iyon ehh.. masyado siyang matiwala sa sarili niya na kinuha ko sa kanya si Ralph kahit alam naman niyang mahal na mahal siya ni Ralph.

Isa pa , sa mga kaklase namin, sila nga nakakampi na sa kanya hindi ba? Ano pa bang gusto niya?

Si rain, nakuha na niyang gawing fiancé niya,

Ako at si hiro, wala na nasira na niya.

Kahit sa nanay ko nasira na niya ako noon..

Lahat na ng bagay sinira na niya. Ang natira lang ang kakambal ko, si Cyril

Siya lang ang nagmahal sa akin ng mga araw na iyon…

“mika!”

Tumingin ako sa may pintuan at nakita ko na si michelle na nanlilisik ang mga mata.

Nandito rin kasi ako sa may diving pool, nakaupo ako doon..

Kahit hindi ako marunong lumangoy may tiwala naman ako sa sarili ko na hindi ako mahuhulog kung walang tutuluak sa akin.

Nang Makita niya ako ay patakbo siyang pumanhik sa lugar ko. Nang makarating na siya ay tumayo na rin ako at tumayo,

Ito na ang tamang panahon,

Lumapit siya sa akin at ngumisi.

“eto na siguro ang tamang panahon para matapos na ang lahat lahat.”-paguumpisa niya..

Hindi ako nagsalita, hinahayaan ko ang iya na ilabas niya lahat ng mga hinanakit niya sa akin,

Ayokong pangunahan ang apoy sa apoy.

“alam mo ba ng dahil sa iyo, nawala na ang daddy ko..”-malungkot niyang sabi…

Nanlaki ang mga mata ko,

Hindi maaari..

Sabi ko na nga ba, aakalain nanaman niya ako nanaman ang may kasalanan.

Tskk, lagi naman ehh. Sanay naman akong napagbibintangan.

“hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo,!”-pagsisigaw niya..

Ohh di ba? Sabi kop sa inyo aapoy at aapoy siya. Kaya hindi na ako nagtatangkang umapoy narin dahil alam kong wala naman din iyong maidudulot na tama..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now