Chapter 10: Living for good?

182 4 0
                                    

<Cyril's POV>

"Sure ka na ba jan rain? hindi na ba magbabago isip mo?"-pagaalang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng pilit at tumango.

"sigurado na ako cyril.. para na rin sa ikabubuti ng puso ko."-sabay pa ng pagtawa niya ng mahina.

"Pagisipan mo muna kaya tol.."-seryoso ang pagkakasabi ni ralph.

"ano ba kayo! bukas pa ang alis ko masyado niyo na agad akong namimiss?"-pambibiro pa niya sa amin.

Pero hindi ko alam ang iisipin ko. Babalik na si rain papuntang canada for good daw sabi niya.

At para na rin daw makalimutan niya si ate mika kapag nasa canada siya.

"sheshh! rain masyado mong pinapaapekto sarili mo.."-inis na sabi ko.

"ehh cyril, siguro tama na rin na pumunta na siyang canada kase andami na niyang sinakripisyo kay black tapos wala lahat lang pala iyon.."-seryosong sabi ni ralph..

Napahimalos ako ng aking buhok..

"at please.. isa pa.. Wag niyo nalang sasabihin sa kanya.."-nakangiti pa niya sabi..

Huminga ako ng malalim at tinap ko ang balikat niya.

"tol, wala na rin siguro akong magagawa pa para pigilan ka kaya sana tama ang desisyon mo.."-tapos ngumiti na rin ako para mabawasan naman ang dinadalang hirap ni rain..

"salamat.."-masinserong sabi ni rain..

"ganito pala kasakit ang maging broken ano.. buti nalang mahal ako ng misis ko.."-tapos humalakhak naman itong si ralph..

"tsss.. maghihiwalay din kayo!"-pang aasar ni rain kay ralph at tinignan naman ni ralph si rain na nakakamatay na tingin..

Nasa may field kami at eto nagpapalipas na rin ng oras..

Kakatapos lang ng unang araw ng klase ng 2014 at ano pa ba inexpect ninyo..

Nakakabangag kaya.

Mga ilang oras din kaming nagpahinga roon pero nagpaalam na rin si rain dahil sa may aasikasuhin pa raw siya at kami namang dalawa ni ralph ay may training sa volleyball kaya dumiretso narin kami roon.

Pagkarating namin doon ay nagtraining na kami at habang nagtratraining kami ay biglang pumasok si rex ng may maangas na lakad.

"ohh.. napapadalas ang punta mo rito ha?"-pagtatanong na sabi ni Jon pero hindi sumagot si rex dahil pabagsak niyang nilagay ang bag niya sa kahit saan at tinanggal ang polo niya para magpalit..

"hala, lagot mukhang badtrip nanaman ito kaya  magtratraining."

"halata naman sa kanya ehh."

Napatingin ako sa mga nagsasalita..

"anong ibig niyaong sabihin?"-pabulong na tanong ni ralph sa kanilang dalawa.

"nagtratraining lang kasi iyan kung badtrip siya o kaya gusto niyang mambugbog kaso dinadaan niya sa laro.."-mahinang sabi nang kasamahan namin.

Lahat ng mga mata ay sa kanya lang nakapukaw.. Wala ni isa sa amin ang gumagalaw..

"ano bang tinitingin tingin ninyo!?"-iritang sabi niya at kinuha ang bola pagkatapos ay pinalo niya ito at natamaan ang isa sa mga players.

"aish! rex! stop it!"-inis na sabi ni jon at kinuha ang bola na tumilapon doon sa isang kasamahan namin.

Napahilamos siya sa buhok niya at pumuwesto sa may court.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now