Chapter 40: Last Chapter (Part 2)

397 5 1
                                    

Chapter 40: Last Chapter (Part 2)

<Cyril’s POV>

Ilang araw narin tulog si ate mika..

Mga 3 araw na..

Sabi ng doctor ay hintayin nalang daw namin ang paggising niya.

Kinakabahan na nga ako para sa kanya ehh..

Si michelle hindi na siya nagpakita simula nung mga pangyayaring iyon..

Nailibing na rin ang tatay niya kahapon. Pumunta kami kahit papaano pero wala si michelle sa libing ng tatay niya..

Nasa ospital parin ang nanay ni michelle at bumubuti daw ang lagay ng mama niya..

“Cyril..”

Bumalik ako sa realidad ng may tumawag sa akin.

Napalingon ako sa nagsalita, si Ralph iyon kasama si rica.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa tabi ni ate mika.

Nalaman narin ni mama ang nangyare kaya kumukuha na siya ng mga damit namin.

“not here.”-seryoso kong sabi..

Alam kong siya ang may pakana ehh..

Humanda sa akin ang babaeng ito..

Pagkalabas namin ay pinipigilan kong magalit sa kanya.

Babae parin siya. Ayokong manakit ng babae kahit gigil na gigil na ang mga kamay ko na dumapo sa pagmumukha niya.

Nakikita ko sa kanya ang takot, aba siya ang may kasalanan nito kung bakit nangyare ito kay ate mika ehh..

At hinding hindi ko siya mapapatawad.

“so, ikaw pala ang may pakana ng lahat. Alam mo bang ng dahil sa ginawa mo namatay ang papa ni michelle at hindi lang iyon nasa hindi magandang kondisyon si mika.”-seryosong sabi ni rain.

Yumuko siya. Halatang guilty sa ginawa niya.

“anong gagawin natin sa kanya? Hindi naman natin pwedeng hayaan na ganito nalang?”-pagtatanong sa amin ni Ralph.

Kahit ako hindi ko alam ang gagawin ehh..

Nangyari na ehh.. hindi mo naman pwedeng ipakulong nasa menor de edad palang naman siya ehh..

“ano ba ang totoong nangyare?”-cool kong sabi..

Gusto ko muna malaman lahat lahat…

Tumingala siya at tinitigan niya ako..

May namumuong luha sa gilid ng mata niya..

Tsk.. paawa effect?? Lalo akong nabubuwisit.

“wag na wag kang iiyak dito baka masaktan kita.”-seryoso kong sabi kay rica..

Nagulat siya sa sinabi ko kaya agad niyang pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng mata niya.

Umupo siya sa isa sa mga waiting chairs sa tabi ng pinto ng kwarto ni ate mika sa hospital.

Huminga siya ng malalim at sinimulan na niyang magsalita..

“it was an accident,hindi ko naman nasadyang masagi yung saksakan nung machine ehh…”-pagmamakaawa niya.

“simulan mo kaya sa umpisa para hindi kami malito sa mga pinagsasabi mo..”-seryosong sabi ni Ralph..

Tumango siya at tumingin sa sahig..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon