Chapter 34: She Ruined Everything

539 9 4
                                    

Chapter 34: She Ruined Everything

Rain’s POV

Sabay sabay na kaming pumasok ng school.

Yung paguusap namin ni hiro was all about mika.

Sinabi na niya lahat sa akin at eto lang ang pinaka na tandaan ko sa sinabi,..

“Huwag mong sayangin ang pagkakataong binigay ko sayo dahil kapag pinaiyak mo si mika kukunin ko siya agad sayo”

Tumatak sa isip ko yan..

Parang mas nagkaroon ako ng courage na ingatan siya lalo..

Pagkapasok namin sa room ay nandoon na si mika sa lugar niya.

Nagumpisa ang klase na nakatitig lang ako parati kay mika.

Ang ganda niya talaga..

Hindi ako nagsasawang titigan ang mukha niya buong araw..

Lunch break na at ang mga mata ko ay hindi maalis sa pagtitig kay mika.

“huy!” kanina pa tunaw sa miss black niyan ehh”-ralph

Tumingin ako kay Ralph at Cyril na nakatayo na para lumabas ng room..

“psh.. oo na tatayo na.”

Kinuha ko ang bag ko at tumayo na, malapit na kami sa may front door pero isang tingin nalang talaga.. agad akong humawak sa pintuan at tinignan ko ulit siya na nagaayos ng gamit..

Bigla akong napangiti..

Takte nakakainlove talaga ang babaeng ito..

Nakahawak ako sa may pinto ng room namin at nakangiting parang baliw..

“rain naman!”- at may humila sa bag ko sa likod kaya napwersa akong mapalabas sa room

Inayos ko yung yung bagpack ko na hinila ni Ralph.

Psh! Panira ng moment!

“ikaw talaga! Ang adik lang pagdating kay black!”-pagsisigaw ni ralph.

“ganyan daw talaga pag inlove..”-sabi ni Cyril

Tumango ako sa pag sasang ayon sa sinabi ni Cyril

“psh.. kaw na inlab! Tara na nga!” at hinila ako ni Ralph papuntang rooftop..

Kala mo naman aso ako kung makahawak sa wrist ko ang higpit..

Pagkarating namin doon ay nakita namin ang isang babae na nakatalikod..

Napansin na niya siguro na may tao at dahan dahan siyang humarap sa amin..

Hindi siya nakauniform at feeling ko ay may edad na ito.

Mukha nga rin siyang pamilyar sa akin ehh..

Pagkaharap niya ay nanlaki ang mga mata kung bakit siya andito.

“kuya!”

<Cyril’s POV>

“Kuya!”

Napatingin kami ni Ralph doon sa sumigaw sa may likuran namin at andito si alejandro..

Hingal na hingal siya na halatang tumakbo siya papunta rito..

Nanlaki rin ang mga mata ni alejandro ng makita niya yung babae.

Kami ni Ralph walang alam,

Takang taka kami kung ano ang nangyayare

“mom.”-mahinang sabi ni Rain

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Där berättelser lever. Upptäck nu