Epilogue

434 6 7
                                    

Epilogue

(Cyril’s POV)

Back to normal na ang lahat…

Eto at kuhanan na namin ng cards dahil tapos na ang pagiging hisgh school namin.

Ilang araw nalang din ay mag gragraduate na kami..

“arghh!! Wala akong grade sa English!”-padabog na sabi ni Ralph..

“bakit naman??”-pagtatanong ko sa kanya.

“ewan ko ba dun sa nakakainis na teacher nay un ehh nagpapasa naman ako ng mga seatworks at projects sa kanya.. paano na niyan?? Hindi na ako papauwiin sa bahay neto!”-tapos ay nagdukmo siya sa desk niya..

Tsk tsk! kawawa naman tong si Ralph baka hindi mag graduate kapag nagkataon..

“ang bababa naman ng mga grades ko..”-padabog ding umupo sa upuan nito si rain..

Isa pa to.. ano bang nangyayare sa mga grades nila..

Pagkatapos ay tinapon niya yung class card niya..

“argghh!! I’m dead! Baka maibalik ako sa Canada neto kapag nagkataon..”-tapos nagdukmo rin siya sa desk niya..

Napakamot nalang ako sa ulo.. kawawa naman tong mga kasama ko..

Ang desperado nila..

Kinuha ko yung class card ni rain na nasa sahig at tinignan ang mga grades niya..

Pasado naman siya ha.. pinakamababa lang niya ay 83 at  Philippine History ang subject..

Hay, kahit ako pinaka ayoko ang History.. Daming minememorize ehh.. nakakabanas!

“matataas naman ito ahh..”-pagkatapos ay tinignan ko si Rain..

Inangat niya ang ulo niya at mukha siyang nawalan ng importanteng gamit..

Mangiyak ngiyak na siya..

Hahaha.. pinipigilan ko ang tawa ko baka lalong maasar ehh..

“huh?? Ang bababa nga ehh.. tsk!”-pagkatapos ay dumukmo ulit siya sa desk niya..

Ako kase hindi ko na tinignan yung grades ko.. si mama nalang pakukuhanin ko..

Hindi naman ako ganoon ka excited sa mga grades ko.. panigurado pasado naman ako..

Haha.. yabang ba? Hindi naman proud lang.. haha

May narinig kaming kaluskos sa likuran kaya napatingin kaming tatlo kung saan ang ingay..

Si ate mika.. tumayo na at papalakad na papunta sa pintuan para umalis..

Last day of school na ito..

Parang cards out kung baga..

Nang makaalis na siya ay nagtinginan kaming 3..

“Sa graduation ko na niyan ulit makikita si mika..”-malungkot na sabi ni rain..

“ang bilis nang panahon noh..? parang kelan lang nung mga totoy pa tayo ngayon binatang binata na..”-tapos tumawa pa ng mahina si Ralph..

Oo nga ehh.. magiging college students narin kami..

Magiging super busy niyan lalo na at college na..

“saan kayo papasok na university?”-pagtatanong ni Ralph..

“kung saan kayo dun ako..”-proud na sabi ni rain..

Tapos sabay silang tumingin sa akin na nagpapahiwatig na turn ko na para sumagot..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now