Chapter 38: I.D.

407 4 1
                                    

Chapter 38: ID

(Dedicated to ate mi :)) Congrats sa LMBTO :)) excited me!! :))

<Cyril’s POV>

Nasa sala ako ngayon at nanonood ng Governor’s Cup Basketball.

San Mig Coffee VS. Meralco.

Semi finals na kaya tutok na tutok ako sa laban nila ngayon.

Hindi ko alam kung sino ang boto ko ehh neutral kung baga.

Si Ralph maka san mig coffee, andun kasi si James Yap at Mark Pingris ehh..

Tinignan ko ang relo ko at mag aalasyete na at wala parin si ate mika.

Saan nanaman pumunta yun??

Tumayo ako at kumuha ng makakain sa kusina ng marinig ko ang ingay ng pintuan.

Agad akong tumakbo para Makita kung si ate mika iyon..

Laking gulat ko ng Makita ko kung sino ang nasa tapat ng pintuan.

Si ate mika na hanggang balikat na lamang ang buhok pero hindi niya inalis ang pagka full bangs sa noo niya.

Ang inosente niyang tignan, napakaganda niya.

Bigla nalang akong bumalik sa realidad ng nagsnap siya sa pagmumukha ko..

“ate? Nagpagupit ka?”-pagtatanong ko sa kanya.

Nag TSK! lang siya at nag roll eyes pa. pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko..

Tumalikod ako para tignan siya at sumigaw ako na.

“ang ganda mo sa gupit mo ate mika!”-nakangiting sabi ko pa sa kanya..

Tumigil siya at dahan dahang lumingon sa akin at nanginig ako sa tingin niya.

SCARY GLARE!!!

Napangiti ako, napakaganda talaga ng kakambal ko.. mas lalong maraming maiinlove sa kanya.

Kinabukasan din sa school ay expected na ang lahat ng mga estudyante ay nakatingin na sa kanya.

Lahat sila nagbago ang tingin kay ate mika.

Hindi na siya kinakatakutan ng iba. Pero ang iba ay takot parin sa kanya dahil binibigyan niya ito ng pamatay niyang death glare.

Pamatay ng nga Death pa.. :D

Anyway, hindi ako ang tinitignan ngayon ng mga babae sa paligid kundi si ate mika.

Buti nalang at hindi ako ginugulo ng mga babaeng iyon ngayon dahil na rin siguro sa takot nila kay ate mika.

Kahit nasa hallway kami ay tinitignan siya ng mga kalalakahin.

Iba ang tingin nila ngayon sa kanya na para bang hindi siya ordinaryong estudyante.

Hanggang sa pagpasok namin tinitignan siya hindi lang tingin kung hindi titig ang ginagawa nila sa kanya.

Lahat sila nagsitigil sa mga ginagawa nila at lumingon silang lahat na para bang nakakita ng artista.

Kahit si rain nagulat ng makita ang bagong hitsura ni ate mika.

Pag upo ko sa aking upuan ay agad lumapit sa akin si rain at nagsalita.

“si mika ba talaga iyon??”-halatang gulat na tanong parin ni rain.

Tumango lang ako habang inaayos ko ang gamit ko.

“she’s gorgeous.”-amaze na sabi ni rain.

“yeah, she is.”-pangsasang ayon ko pa sa kanya.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now