Chapter 23:She Hurt The Important Persons

712 11 4
                                    

Chapter 23:She Hurt the Important Persons

(Cyril’s POV)

Tinignan ko ng masinsinan si ate mika..                         

Yung mga mata niya parang may konti ning ning.. ewan ko parang may maganda talagang nangyari ehh..

Nagtataka siguro si ate mika kung bakit ganun ako makatingin sa kanya..

Kaya itinaas niya ang isang kilay niya..

“ate may nangyare ba?” pagtatanong ko..

Halatang nagtaka siya sa tanong ko at naglakad na siya pataas..

Ang weird talaga.. bahala na malalaman ko rin kung ano yung ibig sabihin ng tingin nay un.. >:)

Kinabukasan eto sa school as usual..

Pero hindi narin ako nagpaapekto sa mga pinagsasabi nila..

Tama si rain wala namang masama sa pagiging gangster ehh..

Pagkapasok namin sa room ay agad kaming sinalubungan ng 2..

Si ate mika tuloy tuloy lang sa paglalakad at naupo agad dun sa lugar niya sa likod kinuha yung book na binabasa niya..

“yow!”-ralph

“musta naman?”-rain

“parang ang tatagal nating hindi nagkita ha?? Parang kahapon lang tapos tanong ka ng kumusta??”-patawa kong sabi kay rain

“eto naman concern lang ako..”-rain

Naglalakad na kami sa mga upuan namin..

“kay mika kalang concern niyan ehh..”-habang nilalagay ni Ralph yung bag niya sa desk..

Pagkaupo namin ay nahagilap ko si michelle na nag lalaro ng rubics cube at nakatingin sa akin ng nakakalokong ngiti na nakapataw sa mga labi niya..

Ako naman etong iritang irita ewan ko ba.. parang meron siyang kapangyarihan..

Lakas ng presensya niya kung baga may parang aura siya ni san goku yung kapag nasusuper sayan siya..

Parang may ganun siya..

Bigla kong napaisip dun sa bola na ibinigay niya sa akin..

Hindi ko siya inalis sa bag ko.. baka mabasag ayoko na baka magkatotoo yung sinasabi nung halimaw nay un..

Kinuha ko ito at pinaikot sa kamay ko..

Habang pinaglalaruan ko yung bola parang may laman siya sa loob.. ewan ko kung ano.. pero curious ako.. gusto kong basagin kaya lang nakakatakot..

Nang dumating na yung teacher namin ay ibinalik ko na agad sa bag ko yung bola dahil magsisimula na ang klase..

Lunch break na at pinauna ko sina Ralph at rain sa rooftop dahil hindi pa ako tapos dun sa exam namin sa English..

Tumingin tingin ako sa paligid at ako, si ate mika at yung impaktita ang nandito nalang sa loob..

“Mr. Austin, just give me the papers of you,Ms. Austin and Ms. Cruz to the faculty room..”-mam

Tumango nalang ako kay mam at umalis na siya ng room..

Nang matapos ako sa exam ay tumingin ako kay ate mika at hindi pa siya tapos..

Masyado niyang sineryoso yung  exam haha..

“eto.”

Napatingin ako sa kanya at inaabot niya sa akin yung exam paper niya..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now