Chapter 14: Failed

168 3 1
                                    

<Cyril's POV>

Naweweirduhan ako kay Rioma kung kase iba ang kinikilos niya mga nakaraang araw lamang.

Nung minsan nga nasa Cafeteria kami at kumakain siya ng pizza pagkatapos yung ketchup na nilagay niya maanghang ehh hindi panaman siya mahilig sa maaanghang ka ayun hinablot niya lahat ng inumin namin para lang matanggal ang maanghang na lasa na nasa dila niya.

Isa pang nakakapagtaka ay laging nakatingin si Rex kay Rioma na para bang may hindi sila sinasabi sa amin.

Hindi na niya rin sinabi iyong tungkol kay Rex na sana dapat ay sasabihin niya.

Sabi niya may importante siyang sasabihin sa amin tungkol kay Rex pero hanggang ngayon hindi pa niya sinasabi sa amin.

Nararamdaman ko na hindi magandang balita ang sasabihin niya tungkol sa lalaking iyon.

"Huy, Rioma! Bakit ka ba laging nakatulala ha?" Pagkatapos ay kinaway kaway pa ni Ralph ang kamay niya sa mukha ni Rioma.

Napatingin si Rioma kay Ralph at tinapik ang kamay ni ralph pagkatapos ay humarap sa akin.

"Uwi na ako." Mahinang sabi niya at nilagpasan niya kami.

Pero agad kong hinigit ang kamay niya pagkatapos ay hinarap sa akin.

"May problema ka ba?" Agad kong tanong sa kanya.

Halata naman kasi sa pagmumukha niya ang problema eh.

"W-wala..." Utal niyang sabi at hindi pa siya nakatingin sa akin ng daretso sa aking mga mata.

"Alam kong meron, Sabihin mo sa akin o hahalikan kita." Nakangisi kong sa bi sa kanya na ikinaangat ng ulo niya hindi pa iyon nakapako sa mga mata niya ang gulat.

"A-ang k-kulit mo naman ehh Cyril. Wala nga sabi." Pagkatapos ay tinanggal niya ang pagkakahwak ko sa kanya.

Nagbuntong hininga ako. Mahirap din pala suyuin ang isang ito.

"Feeling ko tol tungkol kay Rex yang pinoproblema niyang si Rioma ehh." Seryosong sabi ni Ralph na ikinagulat ni Rioma.

"Paano mo nalaman?!" Biglang sigaw ni Rioma at bigla niyang tinakpan ang bibig niya na para bang nadulas siya sa sinabi niya. Nadulas naman talag siya. :D

"Ohh, di ba? Ang galing ko talagang manghuli." Nakangising sabi ni Ralph pagkatapos ay nilagay pa niya ang kanyang kamay sa ilalim ng baba niya at hinimas himas niya ito na para bang nagiisip siya pero ang totoo niyan ay proud siya na napaamin niya agad si Rioma.

Nagbuntong hininga si Rioma at umupo sa may swing na nasa likuran namin.

Nasa may Garden kami ngayon ng School at kakatapos lang ng klase.

Dinala namin si Rioma dito dahil nga sa napakaweird niya ngayon pagkatapos ay iniiwasan pa niya kami this past few days.

"Si Rex kasi..." Mahinang sabi ni Rioma na ikinalapit namin sa kanya para mas marinig namin ito ng malinaw.

"Niloloko lang niya si Mika." Seryoso at mahina niyang sabi na ikinanginig ko sa sobrang galit.

Ikinuyom ko pa ang kamao ko na parang handa na itong dumapo sa pagmumukha ng lalaking iyon.

Aalis na sana ako kaso hinawakan ako sa balikat ni Ralph na para bang gusto niya akong pakalmahin.

"Easy man, Wag padalos dalos. Pakinggan muna natin ang buong storya." Seryosong sabi ni Ralph sa akin na ikinataas ng isang kilay ko at humarap ulit kay Rioma.

Kilalang kilala na talaga ako ni Ralph, At alam na alam niya na paniguradong sa isip ko ay binubugbog ko na ang Traydor na t*r*ntadong iyon.

"Paano mo naman nasabi?" Agad na saad ni Ralph kay Rioma.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now