Chapter 35:Heart or Mind?

504 6 2
                                    

Chapter 35:Heart or Mind?

<Cyril’s POV>

What a boring day..

Nandito lang ako ngayon sa rooftop waiting for Rain at Ralph na dumating..

Kakatapos lang kasi ng 2 subjects namin at sobrang tahimik ng dalawa..

I mean, wala sila sa sarili nila parang ang lalim ng iniisip nila..

Isa pa, napaka AWKWARD na ng mga nangyayari sa pagitan naming tatlo paano kaya si michelle dikit ng dikit kay rain.

Tapos eto namang si Ralph hindi maiwasang hindi umiwas sa kanila..

Ganito kasi yung nangyari kanina..

<FLASHBACK>

Sabay kami ngayong pumasok ni ate mika sa school, nang nasa may tapat na kami ng gate ay may humarang na isang black na limousine ang humarang sa dinaraanan namin..

Nakakairita naman tong sasakyan na to.. sa harap pa namin talaga pumarada eh ang laki laki ng space sa may parking lot dito pa talaga sa front gate..

Liliko na sana kami ni ate mika sa may kanan ng biglang may mga humarang na mga naka itim na lalaki sa amin..

Hindi ko alam kung anong trip ng mga to,

Mga 10 siguro sila tapos yung isa nakahawak doon sa bukasan ng pinto sa may likod ng limousine..

Parang may pinagbubukasan silang tao..

Tsss.. parang wala naming kamay yung taong yun, pagbubuksan pa talaga..

Pumila yung iba na nakaparallel dun sa may puntuan ng limousine..

Yung isa sabi pa nga kay ate mika.. “MOVE BACK” at sabay tabig sa may siko ni ate mika.. nainis siguro si ate mika at…

Nagdeath glare nga si ate mika dun sa parang bodyguard na lalaki at sinuntok niya ang mukha nito..

PSHH!! Pinipigilan ko ang pagtawa ko ng makita ko kung paano matumba yung lalaki sa sahig..

Lahat ng mga naka black na suit ay napatingin sa kasama nila..isa lang ang mga mukha nila

Ganito O.O..

Sobrang shock ba.. :D

Nang biglang bumukas yung pintuan sa may likuran ng limousine at ang niluwa nito ay si rain..

Nagulat si rain nung paglabas niya ay nakita niya na nakahandusay yung isa sa mga nakablacksuit..

Tinignan niya si ate mika at tumingin din si ate mika kay rain..

Parang may mga gusto silang sabihin sa isa’t isa pero hindi nila masabi..

Nagulat nalang ako ng may nagcling sa may braso ni rain..

“hey, babe.. what happen?”

Tssss.. sino pa nga ba.. edi si michelle..

Hindi tumingin si rain kay michelle dahil nakatutok ang mga mata niya kay ate mika..

Nagtiptoe si michelle at may ibinulong kay rain na ikinagulat at ikanalungkot niya ng sobra..

Umiwas na siya ng tingin kay ate mika at pagkatapos ay hinila na ni michelle si rain na malayo sa amin..

Tumingin ako kay ate mika at nagroll eyes siya at naglakad na palayo sa senaryong iyon, Sumunod lang ako sa kanya..

Pagkapasok namin doon ay katahimikan nanaman ang bumulabog sa room..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن