43

6.1K 137 4
                                    

Chapter 43

"Masaya kaba?" Dahan dahan akong lumingon at nakita ko ang lalaki na diko inaasahang makikita ko pa.

Nakatayo sya habang nakasuksok sa bulsa nya ang kaliwang kamay nya.

Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap sya.


"Andrei!" Masayang sabi ko. Naramdaman ko ang pagyakap nya pabalik sakin. Inalalayan nya akong maupo at sumandal sa isang puno habang nakatingin kami sa papalubog na araw.

"Eliana.. Wala akong ibang hinangad kundi ang sumaya ka. Kaya sana sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan mo. Sana ay wag kang susuko.."

Tila ako bata na yumakap sakanya at nagsusumbong.

"Ayaw ibigay ng mama mo si Pierre sa akin."

Naramdaman ko ang marahan nyang paghaplos sa aking buhok.

"Huwag kang mag alala. Tutulungan kita." Tumingala ako at nakita ko syang ngumiti sa akin. Hindi ko inakala na masisilayan ko pa ang ngiting yun. Akala ko ay sa ala ala ko na lamang iyon muling makikita.

"Salamat Andrei. Salamat dahil palagi kang nandyan para tulungan ako. Salamat dahil palagi kang andyan para pasayahin at pagaanin ang loob ko." Hindi ko namalayan na unti unti na palang pumapatak ang luha mula sa mga mata ko. Buong buhay ni Andrei. Wala syang ibang pinakita sa akin kundi ang pagmamahal nya. Lahat ng nga bagay na kaya nyang ibigay at isakripisyo para sakin. Nakakalungkot lang isipin na sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi ko man lang sya nagawang mahalin.

"Shhh." Pinahid nya ang mga luha sa mga mata ko. "Alam mo naman na pinaka ayaw ko sa lahat ay yung nakikita kang umiiyak.."

Nanatili kaming tahimik ni Andrei. Ngayon ay tanging liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing tanglay namin. Ang mga bitwin ay tila mga diyamante na nagkikisplan sa may kalangitan.

Unti unting lumuwag ang pagkakahawak ni Andrei sa kamay ko.

"A-Andrei. Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang sya at hinaplos ang pisngi ko.

"Tandaan mo Eliana.. Kahit wala na ako sa tabi mo. Palagi kitang ginagabayan kahit saan ka magpunta.. Ingatan mo sana ang sarili mo.. Mahal na mahal kita.."

Nang tumalikod sya at humakbang papalayo ay tumaya narin ako upang habulin sya.


"Andrei! Sandali lang." Halos magkanda dapa dapa na ako sa paghabol sakanya. "Andrei! Please! Tumigil ka." Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko ngunit hindi ko parin sya naabutan. Dahil sa pagod ko ay unti unti akong napaluhod habang tinitingnan ang pigura nyang naglalaho.


"Andrei...."



Kinabukasan ay tulala ako nang magising. Napanaginipan ko si Andrei. Maging sa panaginip ay di nya nakakalimutang sabihin kung gaano nya ako kamahal.

Dahil doon ay napasapo nalang ako sa mukha ko at umiyak.

Hanggang sa huli ako parin ang iniintindi nya. Ang nararamdaman ko parin ang syang mahalaga sakanya. Puro nalang ako..

Matapos kong mapanood ang video na pinadala nya kay Alexis ay parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko akalain na kayang gawin ni Andrei na ipaubaya ako. Oo. Alam kong tanggap nyang mawawala na sya. Sa huli ay pinili nya ang bagay na alam kong ikakasaya ko.

Tumungo ako sa banyo upang maligo at ayusin ang sarili ko. Siguradong magang maga ang mata ko dahil sa pag iyak na ginawa ko.

Matapos kong maligo ay bumaba na ako upang hanapin ang mag ama. Nagising kasi akong wala na sila sa tabi ko.

Natigilan ako nang makita ko si Manang Lupe. Alam kong kagaya ni Stephanie ay galit rin sya sakin. Hindi ko naman sya masisisi.

"Kumain kana." Malamig na turan nya. Patalikod na sana sya ng tawagin ko sya.


"M-Manang. Sandali lang po." Tumigil naman sya at pumihit paharap sakin.

"Si Alexis po?" Tanong ko.

"Nasa may garden. Kasama ang anak nyo." Biglang tumalim ang titig nya sakin ng banggitin iyon. Alam kong malapit sya kay Alexis at ngayon ay nalaman narin nya ang sikreto ko. Nakita ko ang pag iling nya at lumakad papalayo sa akin.

Imbis na sa kusina ako magtungo ay pinuntahan ko si Alexis sa may garden. Natanaw ko silang masayang dalawa ni Axcel habang nakasakay naman ang huli sa bisikleta.

Biglang kumirot ang puso ko dahil sa nakita ko. Tama si Steph. Nagkasala man si Alexis. Higit na mas malaki ang kasalanan ko sakanya.

Nang matanaw ako ni Alexis ay unti unting nawala ang ngiti sa mga labi nya. Ngayon ay matalim ang mga mata nya habang nakatitig sa akin. Napatiim bagang sya bago umiwas ng tingin.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila.


"Mommy!" Masayang bati ni Axcel. Bumaba sya sa bisikleta at tumakbo papalapit sakin.

"Axcel. Aalis lang si Papa Alexis ha." Rinig kong sabi ni Alexis. Ni hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin.

Teka. Galit ba sya sakin? Okay pa kami kahapon ah? Pumayag pa nga akong magpakasal sakanya.

"A-Alexis. Saan ka pupunta?" Nauutal na tanong ko. Ewan ko ba ngunit kinabahan ako dahil sa madilim na aurang nararamdaman ko mula sakanya.


"Dyan lang." Tipid na sagot nya. Bumaling ako kay Axcel at inutusan syang mauna na sa loob. Pumayag ito at tumakbo na patungo sa loob ng bahay.


"Alexis!" Tawag ko sakanya. Mabuti nalang at di pa sya nakakasakay sa sasakyan nya.


"Bakit?" Di nya ako nilingon. Nanatili syang nakatalikod.

"G-Galit kaba sakin?" Lakas loob na tanong ko.

Naramdaman ko ang marahas na paghugot nya ng hangin bago bumaling sakin.


"Bakit naman ako magagalit? Ang saya saya ko nga." Ngumisi sya ngunit matalim na nakatitig sakin.  "Habang katabi mo ako. Pangalan ng iba ang tinatawag mo.. Kaya nga sobra sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon." Sarkastikong sabi nya.


Teka. Ano yung sinasabi nya?


"Alexis!"


"Hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo na mahal mo ako. O sinasabi mo lang yun dahil narito ako handang magpakagago para sayo. Alam kong —" Hindi ko na hinayaan magsalita si Alexis. Sobrang naiinis ako kung kaya tumingkayad ako at hinatak ang batok nya. Marahas ko syang hinalikan sa labi.

Natatawa ako sa ginagawa ko dahil pakiramdam ko napaka desperada ko para gawin yun. Pero ito lang ang paraan para mapatahimik ko si Alexis.

Nang bitiwan ko ang labi nya ay nakatulala sya habang nakatitig sakin.

"Mahal na mahal kita Alexis! Kahit gago ka pa. Siguro nga nakatakda akong makilala at mahalin ka. Dahil sa kabila ng lahat ng nangyari. Ibinalik ako ng tadhana sayo."

Napaawang ang labi nya at puno ng pagnanasang tumingin sakin. Ako naman ang nagulat ng siilin nya akong ng halik. Ang aga aga ang landi landi namin.

"Damn Eliana! Alam na alam mo ang kahinaan ko. Alam na alam mong baliw ako sayo. Isang halik mo lang. Ayos na ako." Niyakap nya ako ng mahigpit.


Siguro nga natawag ko ang pangalan ni Andrei.


"Quits lang tayo Alexis. Tinawag mo rin ang pangalan na Daphne nung unang beses na may nangyari satin."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya at mahina nyang pagmumura.

Ngayon alam mo na kung gaano kasakit ang naramdaman ko ng mga sandali yun.

"Fuck! Im sorry sweetie. Im sorry."


FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon