31

6.7K 156 23
                                    

Chapter 31

Habang nilalaro ko si Darlene ay naagaw ng isang boses ang aking atensyon dahil sa pagbanggit nya sa pangalan ng taong matagal ko nang pina nanabikan na makita.

"My ghad Eliana! Bakit ngayon ka lang tumawag sakin?! Mabuti nalang at diko naisipan na magpalit ng number!" rinig kong sabi ni Shiena sa kausap nya. Hindi ko alam kung ang babae bang kausap nya at ang babaeng kilala ko ay iisa. Siguro naman hindi sya ang nag iisang babae na mayroong ganong klase ng pangalan.

"Its been six years El! Sinong di mag aalala sayo. Pagkatapos mong maikasal kay Andrei ay di kana naka alalang tumawag sakin!"

Halos masamid ako sa sarili kong laway matapos kong marinig ang sinabi nya. Confirmed! Ang babaeng kilala ko at kausap nya ay iisa.

Hindi ko na narinig pa ang sinabi nya dahil naglakad na sya papalabas sa mansyon.

Alam kong masama ang makinig sa pag uusap ng iba, ngunit may kung anong nagtulak sakin para gawin yun.

Binuhan ko si Darlene papalabas sa mansyon upang pasimpleng makinig sa pinag uusapan ni Shiena at ni Eliana.

Pumwesto ako sa lugar kung saan maririnig ko sya ng hindi nya nahahalata.

"So kailan ang uwi mo?" rinig kong tanong ni Shiena.

Uuwi na pala sya..

"Sige susunduin kita sa airport bukas. Ano bang oras ang dating mo?" buong atensyon ang ibinaling ko kay Shiena, gusto kong marinig ng mabuti ang pag uusap nila. "Alas tres ng hapon? Sige alas dos palang ay naroon na ko." humagikgik si Shiena siguro ay mayroong nasabi si Eliana sakanya na ikinatuwa nya. "Sige. Kita nalang tayo bukas. Bye."

Nang maibaba na nya ang cellphone nya ay nagpanggap akong hinehele si Darlene.

"Uy! Kuya Theo, andyan ka pala." nakangiting bati nya sakin. "Sorry kung di kita nabati kanina ha? Kausap ko kasi yung bestfriend ko e." sabi nya sabay haplos sa pisngi ni Darlene na ngayon ay nakapikit na.

"Bestfriend? Meron ka pala nun." biro sakanya. Ngunit ang totoo ay may gusto akong malaman tungkol kay Eliana mula sakanya.

"Oo noh! Kahit matagal na di nagparamdam si Eliana, bestfriend ko parin sya. Sanay naman ako na biglang nagiging MIA yang kaibigan ko e. Iniwan nga ako sa Vigan nyan." tumatawang sabi nya.

Matagal na pala silang magkakilala.

Nanatili akong nakikinig sa pagkukwento nya.

"Nung dumating ako dito sa Manila at nagkita kami, alam kong may boyfriend sya. Pero nagulat nalang ako ng biglang pumutok ang balita na ikakasal na sya sa Andrei na yun. Gusto ko man magtanong sakanya ay diko magawa dahil hindi ko sya makontak, hindi rin sya nakikipagkita sakin kaya kahit gusto kong itanong sakanya ang dahilan ay wala akong magawa. Kasi sya na mismo ang nagputol sa komunikasyon namin." bakas na bakas ang lungkot sa mga mata ni Shiena.

Wag kang mag alala. Ako rin ay nalulungkot dahil nawala sa akin ang babaeng minamahal ko....

Naputol ang pag uusap namin nang magsalita si Daphne mula sa may di kalayuan.

"Nandyan ka lang pala, kanina ko pa kayo hinahanap ni baby Darlene." nakangiting bati nya habang kinukuha ang kalong kong bata.

"I have to go, Daphne. May aayusin lang ako." paalam ko sakanya.

"Sige mag iingat ka." sabi nito at hinalikan ako sa may pisngi ko.

"Bye, Shiena." baling ko sa kapatid nya na nakangiti habang nakatingin samin.

Tumango lang sya. Tumalikod ako at naglakad papalayo sakanila.

Kailangan kong ihanda, hindi lang ang sarili ko kundi maging ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto sakin ng kanyang pagdating..

Galit ako sayo Eliana, pero may parte sakin na kinasasabikan kang makitang muli...


NAIA, PHILIPPINES

Kanina ko pa iginagala ang paningin ko sa mga taong naroon upang sumalubong sa mga taong kagaya ko na kadarating lang.

Gustuhin ko man matawagan si Shiena ay hindi ko magawa dahil wala pa akong sim na nabibili para magamit ko rito.


Nang mainip ako ay napagpasyahan kong lumabas na at sumakay sa taxi ngunit natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan na nakahalukipkip habang nakasandal sa pintuan ng kanyang sasakyan.

Halos atakihin ako nang labis na kaba ng tumama sakin ang mga mata nyang matiim na nakatitig sakin.

Iniiwas ko ang aking tingin at nagpanggap na hindi ako naapektuhan sakanyang presensya.

Ngunit di pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang kamay nyang nakahawak sa may pulsuhan ko.

"Mag isa kalang umuwi? Ang swerte ko naman." nakangising sabi nya. Gustuhin ko man manlaban ay di ko magawa, ni ang magsalita. Tila ako naputulan ng dila habang tinitingnan ang galit na mababakas sakanyang mga mata. Mabuti nalang at hindi ko isinama si Axel at Pierre sa aking pag uwi.

Nang makita kong binuksan nya ang pintuan ng sasakyan nya ay tila naging hudyat ito para mabawi ko ang boses ko.

"T-Theo." nakita kong mas matinding galit ang bumakas sa mga mata nya, nag igting ang kanyang panga at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa aking pulsuhan. Nakaramdam ako ng kirot mula rito, ngunit higit na masakit ang nararamdaman ko sa aking puso.

"Theo huh? Pati pagtawag mo sa pangalan ko nagbago na.. Bakit? Dahil ba may iba kana Eliana!" halos mapalingon samin ang ibang dumaraan dahil sa malakas na pagsigaw nya.

"Please? Wag kang sumigaw. Nakakahiya sa mga dumaraan." mahinahon na sabi ko.

"Get it. Kung ayaw mong maeskandalo ka." puno ng awtorisasyon na saad nya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa ipinag uutas nya.


Hindi ka parin nagbabago Alexis.....


Huminto kami sa isang pamilyar na lugar. Ito yung lugar na pinuntahan namin noon kung saan sinabi nyang nahuhulog na sya sakin. Na noon pala ay kasinungalingan lamang.

Nang makababa sya ay diko na hinintay na ipagbukas nya ako ng pintuan. Kusa akong bumaba at pinagmasdan ang magandang tanawin na ipamamalas sakin ng kapaligiran.


"Sa loob ng anim na taon Eliana. Ang dami kong gustong itanong sayo. Pero wala akong pagkakataon na magawa yun noon, kaya ngayon ay nais kong itanong sayo ang isang bagay na bumabagabag sa isip ko." hindi ko sya nagawang lingunin dahil baka makita nya ang tunay na nararamdaman ko habang nakatitig ako sakanya.

Halos dalawang buwan palang na namamatay si Andrei, at hindi ko gusto na tila pinagtataksilan ko sya.


"Bakit mo ko iniwan Eliana? Bakit ka nagpakasal sa iba?" nang gumaralgal ang tinig ni Alexis ay sinubukan kong lingunin sya. Ngunit sa huli ay pinagsisihan kong ginawa ko.

Umiiyak si Alexis habang nakatitig sa akin...


FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now