28

6.8K 144 44
                                    

Chapter 28

THEO ALEXIS POV

"Theo!.. Theo!.." kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang malakas na pagbalya nya sa pintuan ng aking kwarto. Kung hindi lang matibag ang pagkakagawa nito, sigurado akong sira na ito sa mga oras na to.

Tamad na tamad akong bumangon upang pagbuksan sya.

"What brought you here?" inis na tanong ko at tinalikuran sya upang magpunta sa banyo. Mas mabuting unahin ko munang gawin ang aking morning rituals kesa ang makinig sakanyang mahabang sermon.

Ganito siguro kapag nagkakaanak na. Nagiging bungangera na.

"Hoy Theo! Kinakausap pa kita.." narinig ko ang mga yabag nya papunta sa banyo kung saan naroon ako.

"Sandali lang.." yamot na sabi ko. "Di naba makakapaghintay yang sasabihin mo?"

"Sa palagay mo, pupunta ba ako ng ganito kaaga dito kung hindi importante ang sasabihin ko?" mataray na sagot nya. Nagpunas ako ng mukha bago lumabas at harapin sya.

"Ano ba kasi yun? Bakit di mo nalang ako tinext?"

"Mas gusto kong marinig sayo ng personal ang mga sagot sa mga tanong ko." inihagis nya sakin ang dyaryong kanina nya pa hawak. "Anong ibig sabihin nyan?" nakapamewang na tanong nya.

Ngumisi lang ako at pinilit kalmahin ang aking sarili. Kahit nakaramdam ako ng galit sa aking nabasa ay hindi ito sapat na dahilan para ibaling ko ito sa aking pinsan.

"Di mo ba nabasa? Ikakasal na sya." malamig na turan ko. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard nito.

Sumunod si Steph at hinarap ako. Hinawakan ako sa magkabilang balikat at tiningnan ako na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Theo! Ikakasal na si Eliana! Paanong nangyari yun gayong kayo ang magkasama!" naguguluhang sabi nya.

"Anong magagawa ko kung mas pinili nya ang lalaking yan kesa sakin? Anong laban ko dyan e bilyunaryo yan." sarkastikong sabi ko.

"Mahal ka ni Eliana! Kaya di ako makapaniwala na magiging ganito ang kahihinatnan nyo. Mahal na mahal ka nya. Theo naman. Ayusin nyo naman yan.." tila nanlulumong sabi sakin ni Steph.

"Anong gusto mong gawin ko? Puntahan sya at magmakaawa ako sakanya? Sya ang nang iwan sakin. Sya ang umalis. Kaya alam rin nya kung paano bumalik." di ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin kung kaya napalakas ang aking boses.

"Pero mahal mo sya diba? Kapag mahal mo ipaglalaban mo."

"Paano akong lalaban? Gayong talo na ako. Si Benitez ang pinili nya. Tanggapin na natin yun Steph." kinuha ko ang cellphone ko dahil baka di ko na mapigil ang sarili ko at lahat ng galit na nakatago sa dibdib ko ay sakanya ko mailabas. Dinial ko ang numero ni Ivan nakailang ring lang ay sinagot na rin nya ito.

"Ivan, bro. Pakikuha naman si Steph dito sa bahay. Daig pa ang sundalo na susugod sa gera." tumatawang sabi ko. Narinig ko din ang paghalakhak ni Ivan mula sakabilang linya. Nang sinabi nyang papunta na sya ay muli kong hinarap ang pinsan kong ngayon ay nakahalukipkip habang nakasimangot na nakatitig sakin..

"Tinawagan ko na ang asawa mo. Papunta na sya dito." napangisi nalang ako ng makita ko ang pag irap ng pinsan ko. Tumayo ako at niyakap sya. "Steph. Ayaw na nya sakin. Ipipilit ko paba ang sarili ko? Mahal ko sya. Pero kung doon sya magiging masaya. Hahayaan ko na sya." naramdaman ko ang pagyakap pabalik sakin ni Steph.

"Mahal kita Theo. Pinrotektahan mo ako nung panahon na wala akong lakas para alagaan ang sarili ko. Palagi kang nandyan kapag kailangan kita. Kaya gusto ko rin sana na maging masaya ka katulad ko." napakaiyakin talaga ng aking pinsan. Kahit kailan talaga.

"Shhh. Tahan na. Baka akala ni Ivan pinaiyak kita. Mamaya nyan masuntok nya nanaman ako." napatawa sya dahil sa sinabi ko.

"Sira! Kaya ka lang nya nasuntok noon dahil akala nya boyfriend kita."

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Ivan at sinundo si Steph. Nakipagfistbump lang sya sakin bago ito inakay palabas.

Nang mapag isa akong muli sa aking kwarto ay naramdaman ko nananaman ang walang hanggang kahungkagan sa aking puso.

Dalawang buwan na ang nakakaraan buhat nung magpaalam sakin si Eliana para pumunta sa party ng kanyang kaibigan.

Nang imbitahan ako ni Daphne para sa party ng kanyang kapatid ay kaagad ko naman itong pinaunlakan upang tapusin narin ang anumang namamagitan samin.

Nagkamali ako nung una kaming magkita sa bahay. Akala ko ay sya parin ang nilalaman ng aking puso ngunit hindi na pala. Si Eliana na ang syang nagmamay ari nito.

Nang makasama ko si Daphne sa resort nila ay doon ko napagtanto na wala na akong nararamdaman para sakanya. Dahil habang hinahalikan ko sya. Si Eliana ang nakikita ko. Habang nag iisa ang aming mga katawan. Imahe ni Eliana ang lumalabas sa aking balintataw.

Hindi naging madali ang pakikipagkalas ko sakanya nung gabing yun dahil nagawa pa nya akong halikan.

"Kapag di ka tumugon Alexis. Hindi ako makikipag hiwalay saiyo."

Kaya wala akong ibang napagpilian kundi suklian ang kanyang halik at madarang sa kanyang mga haplos.

Akala ko ay masyado lang nag enjoy si Eliana sa pagpunta sakanyang kaibigan kaya nakalimutan nya akong itext at tawagan.

Hinayaan ko sya dahil iniisip kong sobrang namiss nya ang kaibigan nya.

Kinabukasan ay pinapunta ko si Daphne sa bahay upang ipakita ang binili kong singsing para kay Eliana. Tanggap naman na ni Daphne na matagal ng tapos ang relasyon namin, marami naring nagbago at isa narin doon ang aking nararamdaman para sakanya.

"Gagawin kitang bride's maid. Ayos lang ba sayo?" nagulat ako ng bigla na lamang nya akong yakapin ng mahigpit.

"Salamat Alexis. Akala ko ay hindi mo ako iimbitahan sa kasal nyo." tuwang tuwang sabi nya. "May nabili kanabang singsing para mamayang nagpropose ka sakanya?" tanong nya.

Kinuha ko sa bulsa ko ang kahita na naglalaman ng singsing na binili ko sa isang sikat na jewerly shop at ipinakita sakanya.

"WOW! Ang ganda Alexis! Sigurado ako magugustuhan nya."

Sunod sunod na tumulo ang luha ko habang nakatitig sa singsing na ibibigay ko sana para kay Eliana.

"Mali ka Daphne." kausap ko sa sarili ko. "Hindi na magugustuhan pa ito ni Eliana. Dahil ibang singsing ang tinanggap nya sakanyang mga palasingsingan."

Ibinalik ko ang singsing sa kahita at itinago ito sa drawer na naroon.

Kagaya ng singsing. Itatago ko na lamang rin ang sakit na aking nararamdaman.

Hahayaan ko syang magpakasal sa iba. Ngunit sa puso ko. Mananatiling nagmamahal sakanya..

I love you so much Eliana.... Bakit mo ako iniwan at pinagpalit sa iba....

FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now