18

6.3K 150 33
                                    

Chapter 18

Kanina pa ako naiinis kay Alexis habang sabay kaming nag aalmusal. Hindi na sya nakapasok sa trabaho nya dahil sa kalandian nya.

Inirapan ko lang sya ng makita ko nanaman ang malawak na pag ngisi nya habang nilalaro ang pagkain nyang nasa plato.


"Alexis! Ano ba! Hindi kaba titigil dyan ha?!" naiinis na sabi ko. Tumawa lang sya habang namamanghang nakatitig sakin.


"What? Wala naman akong ginagawa ah!" nakangising sabi nya. Hindi ko nalang sya pinansin at pinapatuloy ko ang pagkain ko.

Ngunit natigilan ako ng maramdaman ko ang paa nya paakyat sa binti ko, dahil magkatapat ang inuupan namin kaya madali nyang nagawa ang kalandian nya.

Oh Ghad! Inaakit nya ko!

Bahagya kong nilihis ang paa ko para iwasan ang malanding paa nya. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay nya dahil sa ginawa ko.

"Alexis! Kumain kana nga lang dyan!" argh! Pagkagising palang namin ay naging ganito na sya.

"Ayoko nito, mas gusto ko yung kinain ko kagabi." nakangising sabi nya na ikinapula ng mukha ko. Damn you Alexis!

Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi nya.   Mabuti nalang at nakatapos na akong kumain kaya dali dali akong umalis sa lamesa at iniwan si Alexis na ngayon ay nauutas na sa kakatawa.

Manyak na baliw!

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa kwarto ko ay naramdaman ko na ang maiinit nyang bisig na nakayakap sakin.

"Im sorry. Nagalit ba kita?" puno ng pag aalalang tanong nya.

"Hindi. Naiinis lang."

"Lets have a date then. Alisin natin yang inis mo." ramdam ko ang pag ngiti ni Alexis sa may leeg ko.

"Wala ako sa mood Alexis." nitong mga nakakaraan ay napapansin ko na ang pagka antukin ko, kahit wala naman akong ginagawa ay parang pagod na pagod ako. Hindi ko naman alam kung bakit.

"So anong gusto mong gawin natin?" tanong nya habang hinahawi ang buhok kong tumatabing sa mukha ko.

"Hayaan mo muna akong matulog, pagkagising ko ay sasabihin ko sayo kung ano ang gagawin natin." nakita ko ang pilyong pag ngisi nya. Sigurado akong kamanyakan nanaman ang iniisip nya. Inikutan ko nalang sya ng mata bago ko sya tinalikuran.

Ngunit pagkasara ko ng pinto ay kaagad din ulit akong lumabas. Nakita ko si Alexis na pababa na ng hagdanan kung kaya kaagad akong sumigaw para tawagin sya.

"Why? Akala ko ba matutulog ka muna?" nakakunot noong tanong nya. Ang weird lang. Bakit gusto kong matulog sa lap nya at amuyin sya.


"Oo nga. Pero kasi.." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko. Nakita kong humakbang na si Alexis papalapit sakin.

"Kasi?

"Gusto kong gawin unan yung lap mo." pagsasabi ko ng totoo. Nakita ko pang napangisi sya bago ako inakbayan papasok sa loob.


"Okay." sagot nya. Nang makapasok na kami sa loob ng kwarto ko ay kaagad syang naupo sa kama ko habang nakasandal sa headboard ng kama. Iniunat nya rin ang paa nya para magamit kong unan ang hita nya.

Nahiga na ako at niyakap ang bewang nya.

"I love you Alexis. I love you so much." usal ko habang paunti unting sumasara ang mata ko dahil sa marahan nyang paghaplos sa buhok ko.

Naramdaman ko naman ang labi nya sa aking noo. Narinig ko pa ang salitang binitiwan nya bago ako tuluyang tangayin ng antok.

"I love you too sweetie. Sleep well."



THEO ALEXIS POV

Pinagmamasdan ko lang si Eliana habang natutulog. Kahit gaano pa ako katagal tumitig sa napaka amo nyang mukha ay hinding hindi ako magsasawa sakanya.

Naaawa akong hinaplos ang pisngi nya. Masyado ko ba syang pinagod kagabi kaya kahit kakagising palang namin ay nakatulog syang muli?


Nang maramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sakin ay napangiti ako. Pakiramdam ko ay takot na takot si Eliana na umalis ako sa tabi nya.

"Dont worry sweetie. I will never leave you.." napatingin ako sa mapulang labi nya na bahagyang naka awang. Wala naman masama kung hahalikan ko sya. Hindi lang naman halik ang namagitan samin dalawa.

Napaangat ang tingin ko ng biglang may sunod sunod na katok mula sa pintuan.

"Sir Theo." rinig kong tawag ni Manang Lupe mula sa labas.

"Pasok, manang." hindi ako pwedeng tumayo dahil ayokong maistorbo ang tulog ng aking mahal na Eliana.


Nakuta ko ang pagkabahalang bumalatay sa mukha ni Manang Lupe.


"Bakit Manang?" naguguluhang tanong ko.


"May naghahanap po sainyo Sir." nakita ko pa ang tila naaawang sulyap nya kay Eliana bago dumako ang tingin sakin.


"Sino?"

"Lumabas nalang po kayo Sir. Para po makita nyo." makahulugang sabi ni Manang Lupe bago sya lumakad papalabas.


Dahan dahan kong ibinaba sa kama ang ulo ni Eliana at nilagyan sya ng unan na yayakapin nya.

"I'll be back sweetie. Sleep well." hinalikan ko sya sa noo bago ako tuluyan lumabas.

Pagkababa ko ay tila ako natulos sa kinatatayuan ako. Kahit nakatalikod sya ay kilalang kilala ko sya.

Nang maramdaman nya ang presensya ko ay dahan dahan syang humarap sakin, tila huminto sa pagtibok ang puso ko ng makita ko ang mukha ng babaeng ilang taon ko ring kinasabikang makita, malawak syang nakangiti sakin habang dahan dahan syang lumalapit sakin.


"Im back Alexis."

Nang maramdaman ko ang labi nyang nakalapat sa labi ko ay ganun nalang ang kakaibang saya na naramdaman ko.


Akala ko wala na.. Pero nagkamali ako..

Its always been her..






FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now