20

6.5K 129 28
                                    

Chapter 20

Ilang araw na buhat nung umalis si Alexis ay hindi parin sya nakakabalik. Mabuti nalang at nandito na sa Maynila ang kaibigan ko kaya kahit paano ay nalilibang ako at nakakalimutan ang pagkawala niya.


"Eli. May problema kaba?" tanong ni Shie sakin habang nandito kami sa mall at tumitingin tingin ng pwede naming bilhin.


Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ko sagutin ang tanong ni Shie. Mas makakabuti siguro kung may mapagsasabihan ako ng nararamdaman ko ngayon.


"Hindi pa kasi sya umuuwi Shie. Di ko alam kung nasaan ba sya o kung ano ang nangyari sakanya." naluluhang sabi ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nitong nagdaang araw ay nagiging emosyonal akong masyado.


"Ano kaba. Baka talagang busy lang sya." pangungumbinsi sakin ni Shie.

Umiling ako. Iba ang kutob ko e. Kahit gaano kabusy si Alexis ay hindi nya makakaligtaan na tawagan o itext ako. Tsaka ito ang kauna unahang pagkakataon na hindi sya umuwi. Ngunit imbis na isatinig ang mga ito ay pinili ko nalang sarilinin.


"Siguro nga." kabaligtaran ng iniisip ko ang isinagot ko. "Shie. Kain muna tayo. Nagugutom na ako e." nakangusong sabi ko.


"Nanaman?! Diba kakakain lang natin?" gulat na sabi ko. Tama naman sya. Kakakain lang namin. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nagugutom nanaman ako.

"Sorry Shie. Sige treat ko naman ngayon." inirapan nya lang ako dahil sa isinagot ko.


"Hindi problema ang pera Eli. Halika na at baka sa gutom mo ay magwala ka dito." dahil sa paghila sakin ni Shie ay may nasagi nanaman ako na isa sa dumadaan.


Narinig ko pa ang pagmumura nito.

"Sorry Sir. Sorry." pag angat ko ng tingin ay bahagya akong nagulat.

"Ikaw nanaman?!" medyo iritadong sabi nya. "Sabihin mo nga sakin, sinasadya mo bang banggain ako para mapansin kita?"

Napanganga ako dahil sa sinabi nya. Sayang dahil gwapo sya. Yun nga lang may taglay syang kahanginan sa katawan nya.

Sasagot na sana ako nang magsalita ang kaibigan ko.


"Excuse me mister. Mukhang ikaw yata ang nagpapapansin sa kaibigan ko e. Ang luwang luwang ng daan pero sinadya mong dito sa way namin dumaan." pinipigilan ko si Shie sa ginagawa nya dahil nakakaagaw na kami ng atensyon ng mga taong naroon.

Ngumisi ang lalaking nasa harap namin ngayon habang nakahalukipkip.

"Look miss. Sa itsura ko tong kailangan ko pabang magpapansin?" napalunok ako dahil tama ang sinabi nya. Dahil sa kagwapuhang taglay nya, marami ang babaeng handang maghubad sa harapan nya para lang mapansin nya.

"Sorry sir. Sorry talaga." hinihila ko na si Shie para hindi na humaba ang usapan ngunit di pa man ako nakakalayo ay nahawakan na ng lalakiny iyon ang braso ko.


"Hoy! Chansing na yan ha. Bitiwan mo ang kamay ng kaibigan ko." sabi ni Shie sa lalaki habang pilit kinukuha ang kamay ko mula sa lalaki. Ngunit ganoon nalang ang gulat ko ng may dalawang nakaitim na lalaki na humawak sa magkabilaang kamay ni Shie kung kaya nabitiwan nya ako.

Hinihila ako ng lalaki palayo kay Shie. Gustuhin ko man magpumiglas ay tila ako nawalan ng lakas. Pakiramdam ko ay kinukuha ng init na nagmumula sa kamay nya ang lahat ng lakas na mayroon ako sa katawan ko.

Nagawa ko pang lingunin ang kaibigan ko na hanggang ngayon ay nakatanaw lamang sakin at di ako magawang habulin.


Nang magtagumpay ang lalaking dalhin ako sa may parking lot ay doon ko nahanap ang boses na kanina ko pa pilit nais ilabas.


"Teka lang mister. Saan mo ba ko dadalhin?" tanong ko sakanya.


Hindi sya sumagot kung kaya hinayaan ko lang syang ipagbukas ako ng pintuan. Kahit takang taka ako sa mga nangyayari ay wala padin akong lakas na salungatin ang lahat ng nais nya. Hindi ko rin alam kung anong meron sakanya at hindi ko kayang labanan sya.

Nang nasa loob na sya ng sasakyan nya ay sinimulan na nyang buhayin ang makina ng sasakyan nya.


Pasulyap sulyap lamang ako sakanya na seryosong nakatingin sakin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" di ko na natiis na tanungin syang muli.


"Magdedate." cool na sabi nya.


"Teka! Nababaliw kanaba. Ni hindi nga tayo magkakilala e." nakairap na sabi ko. Mukhang may tama yata itong lalaki na to e.


"Kaya nga magdedate tayo para mas makilala pa kita." nakangising sabi nya.


"Pinopormahan mo ba ko?"


"Ano sa palagay mo?"


"So ibig sabihin tama ang kaibigan ko? Nagpapapansin ka sakin?" namamanghang tanong ko. Grabe! Di ko inakala na ang katulad nyang gwapo ay magkaka interes sa katulad ko.


Katulad kong napagsawaan na...


Napansin kong inihinto nya sa isang sikat na restaurant ang sasakyan nya.


"Lets go." inilahad nya ang kamay nya na tila sya isang prinsepe na nag aalok magsayaw sa kanyang prinsesa. Pfft! Ang korni Eliana.

Nang makapasok kami sa loob ay halos mapanganga ang ibang naroon. Anong meron sa kasama ko at ganito nalang ang reaksyon ng mga nakakakita sakanya.


Naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko. Shit! Bakit di ko naramdaman na hawak nya ang kamay ko.


Nang makaupo kami ay kaagad may lumapit na waiter samin para kuhanin ang order namin.

Bakit ganito? Imbis na mailang ako sakanya ay naging komportable na ako sa presensya nya.


"Bakit mo ginagawa to?" di ko mapigilang itanong nang makaalis na ang waiter na naroon.

Nakataas ang kilay nya habang mariing nakatitig sakin.


"Hindi paba obvious?"


"Ha?" gulat na tanong ko.





"I like you."


FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now