27

6.4K 150 23
                                    

Chapter 27

CONGRATULATIONS....

Dati sa tuwing maririnig ko yan mula sa iba ay tuwa ang hatid sa aking puso. Ngunit hindi sa pagkakataong ito. Hati ang aking nararamdaman. May parte sakin na masaya at may parte sakin na malungkot.

Matapos kong marinig ang sinabi sakin ng OB ay di ko mapigilan ang mapaluha. Hindi iyon dahil masaya ko, kundi dahil iniisip ko ang maaaring kahinatnan naming mag ina.

"Eliana. May gusto kabang kainin?" tanong sakin ni Andrei habang naglalakad kami sa loob ng mall at namimili ng aking mga gamit, mula damit hanggang toiletries.

"Wala naman." tipid na sagot ko. Akala ko ay magbabago na ang pakikitungo ni Andrei sakin matapos nyang malaman ang aking sitwasyon, ngunit hindi. Mas lalo pa syang naging maingat sakin.

"Andrei." untag ko sakanya na nakapagpatigil sa ginagawa nyang paglakad. "Gusto ko ng umuwi." pagyayaya ko sakanya. Ngumiti naman sya sakin at hinaplos ang aking pisngi.

"Ganon ba? Sige. Tara na." inakbayan nya ako at inalalayan sa paglalakad. Tila ingat na ingat na magalusan ako. Pakiramdam ko ay isa akong mamahaling kristal na kanyang pinakaiingatan.

Nang makarating kami sa sasakyan nya ay pinagbukas nya ako ng pintuan katulad ng kanyang ginagawa. Ngunit sa pagkakataong ito ay inaalalayan nya rin ako maging sa aking pag uwi.

"Thank you Andrei.."

"Basta para sayo Eliana." umikot na sya papunta sa driver seat.

Habang binabagtas namin ang daan ay nakabuo ako ng isang desisyon na sa palagay ko ay makakabuti sa lahat.

"Hmm. Andrei..." tawag ko sakanya. Nagawa naman nya akong sagutin kahit na nakatuon ang kanyang atensyon sa daan. "Pwede bang sa bahay nalang ni Alexis mo ako ihatid?" nahihiyang tanong ko. Nagulat ako ng itigil nya sa isang tabi ang kanyang sasakyan.

"Ano yun Eliana?" tanong nya. Kahit alam kong narinig nya ang aking sinabi ay inulit ko itong muli para mas malinaw nyang marinig.

"Gusto ko sanang malaman ni Alexis ang kalagayan ko, Andrei. Sya ang ama nitong dinadala ko. Ayokong maging pabigat sayo. Kaya sana ay maintindihan mo ako." nakayukong paliwanag ko.

Narinig ko ang kanyang marahas na pagbuntong hininga bago sya nagsalita at tumingin sakin.

"Alam kong mahalaga sayo ang pamilya Eliana. Kaya kung iyan ang ikakasaya mo, ibibigay ko. Ayoko rin namang ipagkait sa iyong anak ang magkaroon ng isang masayang pamilya." hinawakan nya ang kamay ko na naging dahilan para mapatitig ako sakanyang mga mata. "Basta palagi mong tatandaan na narito ako para sayo. Sa oras na kailanganin mo ako, isang tawag mo lang. Darating ako.."

Niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa kanyang sinabi. Kahit sandali ko pa lamang syang nakakasama ay pakiramdam ko nakahanap ako ng isang kaibigan sa katauhan nya.

"Salamat Andrei. Napakabuti mo. Hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi sayo." naluluhang sabi ko.

"Maging masaya ka lang Eliana. Yun ang gusto kong maging kabayaran ng ginagawa ko para sayo. Mahal kita kaya papakawalan kita." kinalas nya ang pagkakayakap sakin at pinunasan ang aking mga luha. "Akala ko ay magiging akin ka. Ngunit hindi pala. Sa palagay ko ay hindi talaga tayo itinakda para sa isat isa." bakas ang lungkot sakanyang tinig. Maging ang kanyang mga mata ay may magkahalong pagkabigo at panghihinayang na mababanaag.

Sinimulan na nyan buhayin ang makina ng kanyang sasakyan. Habang ako ay abot ang dasal sa loob ng kanyang sasakyan.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Alexis kapag narinig nya ang aking sasabihin? Tatanggapin nya ba kami ng anak ko? O susustentuhan lang dahil may balak na syang pakasalan si Daphne?

Itinuro ko ang direksyon papunta sa subdivision nila Alexis.

Habang papalapit ng papalapit ang sasakyan sa kanyang bahay ay mas lalo lamang nadaragdagan ang aking kaba.

Halos pagpawisan na rin ako ng malamig kahit na halos nakatodo na ang aircon ng sasakyan ni Andrei.

Napakunot ang noo ko ng makita ang di kilalang sasakyan sa labas ng bahay ni Alexis.

"Teka lang Andrei. Dyan mo nalang muna ihinto." puno ng pagtataka akong tiningnan ni Andrei. "Mukha kasing may bisita si Alexis e."

"E ano naman? Mas importante paba ang bisita nya kesa sa sasabihin mo?" nakataas ang kilay na tanong nya ngunit sinunod nya rin naman ang sinabi ko.

Halos magkalasog lasog ang puso ko ng matanaw ang dalawang imahe sa may veranda.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Alexis kay Daphne at ganoon nalang ang tuwa nito. Palundag nyang niyakap si Alexis.

Sa palagay ko ay hindi magandang ideya ang nabuo sa aking isip. Mas magugulo pala ang lahat kapag ipinaalam ko pa sakanya ang aking sitwasyon.

Masaya na sya kay Daphne.. Guguluhin ko paba sya?

Ang puso kong durog na durog ay mas lalo pang nadurog ng makita ko ang isang kahita na inilabas ni Alexis mula sa kanyang bulsa.

So ito pala ang dahilan ng kasiyahan ni Daphne? Nagpropose na sakanya si Alexis..

"Andrei.. Tara na." halos bumara na sa aking lalamunan ang mga salitang lumalabas sa aking bibig.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Andrei at pagtiim ng kanyang bagang.

"He doesnt deserves you, Eliana. Ni hindi man lang sya nag alala para sayo. Tapos ngayon eto pa ang makikita mo? Masasaktan ka lang sakanya at hindi ko iyon gusto." napahagulgol na ako habang nakikinig sakanyang sinasabi. Wala na rin akong balak na sagutin ang mga ito.

Dahil masyado ng masakit ang sugat sa aking puso upang pagtuunan pa ang ibang bagay.

"Hayaan mo akong alagaan kayo ng iyong anak Eliana. Ituturing ko syang tunay na anak. Mamahalin ko sya kagaya ng pagmamahal ko sayo. Pag iingatan ko sya katulad ng pag iingat ko sayo." kinuha ni Andrei ang aking kamay at hinagkan ito.

Hilam ang mga mata ko sa luha ng tingnan ko sya.

"A-Ano bang sinasabi mo Andrei?" naguguluhang tanong ko.


"Pakasalan mo ako Eliana. Sabay natin palakihin ang iyong anak. At pangako ko sayo, kailanman ay hindi kita sasaktan at paiiyakin. Mananatiling sekreto ang tunay na katauhan ng kanyang ama. Pupunuan ko ang lahat ng pagkukulang nito sainyo. Please.. Eliana. Hayaan mo akong maging parte ng inyong buhay..." puno ng pagsusumamong sagot nya. Tila naman may nagbara sa aking lalamunan at ang tanging kaya ko lang gawin ay titigan sya.

Kasal ang kanyang inaalok sakin. Panghabang buhay na pagsasama.

Makakaya ko bang ipagkait ang anak namin sa kanyang tunay na ama? Kay Alexis...

Kaya ko bang papasukin sa aking magulong mundo ang kasing buti ni Andrei...

Nararapat ba ako para sakanya...

Sabi nila ang lahat daw ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay may dahilan.

Sana ay makita ko ang dahilan upang malaman kung bakit kailangang mangyari sakin ang lahat ng ito...

Hirap na hirap na ako.

Gulong gulo.

Di ko na alam ang tama at mali..

Mahal ko si Alexis, pero dapat paba? Ayoko ng makihati pa sa pagmamahal nya..

Siguro nga nakatadhana na mahalin ko sya. Pero di kami nakatakda para sa isat isa.

Kahit masakit Alexis..

Papakawalan na kita, dahil simula palang.


Hindi ka naging sa akin........







FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now