34

6.2K 121 19
                                    

[A/N : Minsan ayoko ng magpatuloy. Pero kapag nababasa ko yung mga comments nyo sa mga stories ko. Nagkakaroon ako ng dahilan para ituloy yung mga nasimulan ko. Salamat sa inyo. Kayong lahat ang inspirasyon ko.
Para sa inyong lahat ang chapter na to..]

___

Chapter 34

Panay ang pahid ng luha ni Shiena matapos kong ikwento sakanya ang mga nangyari sakin sa nakalipas na anim na taon. Pwera lang sa pagitan naming dalawa ni Alexis.

"Im sorry.. Im so sorry Eliana." niyakap nya ako ng mahigpit. "Best friend mo ako, pero wala man lang akong nagawa nung mga panahon na kailangan mo ako."

"Wala kang kasalanan Shie. Ako ang may gusto na magpakasal kay Andrei." pang aalo ko sakanya. "Nagpapasalamat pa nga ako dahil ibinigay sya sakin upang tulungan ako na makapagpatuloy. Kung wala sya, hindi ko na alam ang gagawin ko nung mga panahon na yun."

"Gago pala yung boyfriend mo na yun. Pinagpalit ka sa iba. Naku! Sino ba kasi yung lalaki na yun para mabalatan ko ng buhay." parehas kaming natawa dahil sa sinabi nya.

Ipinagtapat ko sakanya ang panloloko ni Alexis sakin, ngunit di ko sinabi sakanya ang tungkol sa pagkakaroon namin ng anak. Hindi ko rin binanggit sakanya ang pangalan nito, dahil sigurado akong gagawin ni Shiena ang lahat mahanap lamang ito.

"Hayaan mo na. Masaya naman ako sa naging buhay ko. Yun nga lang maaga akong iniwan ni Andrei." bigla akong nalungkot dahil sa pagkakaalala ko sa pangalan nya. Napabuntong hininga nalang ako upang pakalmahin ang sarili ko.

Hindi parin ako makapaniwala na ang lalaking palaging nagpapasaya sakin ay pumanaw na.

Bakit ganun? Wala naba akong karapatang maging masaya? Kailangan ba lahat ng minamahal ko at nagpapasaya sakin ay iiwan ako?

Nang makaalis si Shiena ay nakaramdam nanaman ako ng walang hanggang kahungkagan.

Mas lalo akong nalungkot nang maalala ko ang araw na nagpunta si Alexis dito para lamang isoli ang maleta ko.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman nanaman ang kirot sa puso ko.

Panay ang pagdoorbell ni Alexis sa labas ng bahay habang patuloy sa pagtaboy sakanya ang gwardya.

"Eliana! Lumabas ka dyan! Alam kong nandyan ka sa loob." sigaw nya.

"Sir, umalis na ho kayo. Nakakabulabog napo kayo e." sita sakanya ng gwardya. Nasa likod lamang ako ng pintuan kung kaya rinig ko ang pag uusap nilang dalawa.

"Wala akong paki! Kailangan kong makausap si Eliana!" sumilip ako sa bintana. Nakita kong tinulak nya ang gwardya at tumungo sa maindoor kung saan ako naroon. Mabilis akong bumalik sa likod ng pintuan upang magtago.

"Eliana.. Please.. Kausapin mo naman ako.." nagmamakaawang sabi nya. Napatutop ako sa aking bibig upang pigilin ang mga hikbing nais na kumawala mula rito.

"Alam ko nandyan ka Eliana." naramdaman ko ang pagsandal nya sa may pintuan. "Gusto mong lumayo na ako sayo diba? Gusto mong kalimutan na kita diba? Si Daphne. Sya ang makakatulong sakin para magawa ko yun Eliana. Hindi na kita guguluhin, tuturuan ko ang puso kong makalimutan ka at maging masaya nalang para sayo.."

Alam ko na ang katuloy ng sasabihin nya ngunit umaasa akong sana ay wag nyang banggitin yun. Gusto kong tumakbo papalayo upang hindi ko na marinig pa ang kasunod ng mga katagang binibitawan nya.

"Let me say this for the last time Eliana.. I love you so much.. So damn much... But im tired.. Ngayon ko lang napagtanto. Napapagod din pala ang puso ko.. Napapagod ng umasa at masaktan ng paulit ulit.. Mahal kita.. Sobra.. Pero suko na ko.."

Nang maramdaman ko ang mga yabag nya palayo ay doon na nagsimulang maglandas ang mga luha ko.

Palagay ko ay yun na ang closure para sa naging relasyon namin noon. Yun na rin ang huli.

Napabalik ako sa katinuan nang magring ang cellphone ko. Kaagad ko itong dinampot at sinagot ang tawag nang makita ko ang caller.

"Inday.. Kamusta ang mga bata?" bungad ko sakanya.

[Naku mam. Si Pierre mo iyak ng iyak hinahanap ka.] sagot nya.

"Si Axcel?" tanong ko.

[Nandun po sa lolo't lola nya. Kinukuha nga din po nila si Pierre. Ayaw naman pong sumama sakanila. Kailan po ba kayo babalik?] tanong nito na nakapag patigil sakin.

Bakit ba nakalimutan ko na ang talagang pinunta ko sa pag uwi ko. Masyado kong pinoproblema ang nakaraan namin ni Alexis. Gayon may mas importante akong bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

"Babalik din ako dyan Inday. Pagkatapos kong ayusin yung mga naiwan ni Andrei dito."

Matapos kong magbilin sakanya ay nagpaalaman na kaming dalawa. Sya ang naunang nagbaba.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon dahil may usapan kami ni Shiena na magkikita. Sasamahan nya ako pabalik sa Vigan upang tulungan ako sa pag aayos ng ilang ari arian ni Andrei na naiwanan doon.

Alas nueve ang usapan namin dalawa. Halos mag aalas diyes na ay wala parin sya.

Naisipan ko munang magpunta sa pinakamalapit na super market upang makapamili ng ilang kakailanganin namin.

Kumuha ako ng push cart at itinulak ito upang pumili ng aking mga bibilhin.

Nang mapatapat ako sa  mga chocolates ay bigla nalang akong napangiti ng mapait nang biglang magbalik sakin ang isang ala ala. Isang napakatamis na ala ala.

"Please. Alexis. Gusto ko talaga yun e." paglalambing ko sakanya habang tinuturo ang chocolate na 'Kisses.

"Mas gusto mo ba yun kesa sa halik ko?" napataas ako ng kilay dahil sa sinabi nya.

"Baliw kaba? Pagkain yun Alexis. Iba yung halik mo." medyo napahina ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang pagbaling ng tingin ng mga ibang naroon. Napayuko ako at nagsimulang naglakad palayo sakanya.

Ngunit dipa man ako nakakalayo ay hinila nya ako papalapit sakanya.

"Kahit isang box pang chocolate na kisses Eliana. Ibibigay ko sayo. Basta ipangako mo lang na ang halik ko ang magiging pinakapaborito mo." kahit nakakahiya sa nakakakita ay hindi ko na ito pinansin. Basta ang mahalaga lang sakin ng mga sandaling yun ay ang mga mata ni Alexis na nakatitig sakin. Tumingkad ako upang abutin ang labi nya at dinampian sya ng mabilis na halik.

"Kahit gaano pa katamis ang chocolate na yan Alexis. Walang makakapantay sa tamis ng labi mo. Wag kang mag alala. Halik mo ang pinakapaborito ko sa lahat."

Halos mamanhid ang mukha ko nang makaramdam ng paglapat ng isang palad rito.

Kasabay ng pag balik ko sa kasalukuyan ay ang pagsapo ko sa namamanhid kong pisngi.

"Steph.." puno ng pagtataka kong tanong. Samantalang sya ay puno ng pagkamuhi ang makikita sa mga mata habang nakatitig sakin.

"Welcome back Eliana. Masarap ba ang pagsalubong ko sayo?" pinagtitinginan na kami ng mga taong naroon dahil sa nakita nilang ginawa ni Steph sakin. "Sinampal kita baka sakaling magising ka. Ang tanga mo Eliana! Minahal ka ng pinsan ko. Pero ginago mo lang."

Pumagitna sa amin ang gwardyang naroon.

"Wala kang alam Steph. Kaya wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan.." nilabanan ko ang talim ng titig nya. Sa huli ay ako rin ang naunang sumuko.

"Sana hindi ka nalang nya nakilala.." galit syang tumalikod sakin at humakbang palayo.

Napayuko ako at napagdesisyunan na bayaran na ang mga pinamili ko.



Sana nga di ko nalang sya nakilala. Para hindi ako nasaktan ng todo..



FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin