7

8.1K 180 6
                                    

❤Chapter 7❤

"Wow! Mam Eliana ang ganda nyo po talaga." puno ng paghangang sabi sakin ni Manang nang makita akong pababa sa may hagdanan.

"Salamat po." nahihiyang sabi ko.

"Uy. May date po kayo ni Sir Theo ano?" nanunuksong sabi nya.

Pinamulahan naman ako ng mukha lalo na nung banggitin nya ang pangalan ng lalaking nagmamay ari ng puso, isip at maging ng kaluluwa ko.


"Manang. Okey lang po ba yung suot ko? Hindi po ba pangit?" tanong ko.


"Aynaku Mam. Sigurado ako kapag nakita kayo ni Sir Theo. Maglalaway sa inyo yun." tumatawang sabi nya

Sabay kaming napalingon sa kapapasok lang na si Alexis. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko kayang tagalan ang mabigat na pagtitig nya sakin kung kaya ako na ang naunang nagbawi ng tingin.


Umalis naman si Manang para iwanan kaming dalawa.


"Hi." nakangiting bati nya.


"H-Hello." naiilang na sabi ko.


"Shall we go?" inilahad nya ang kamay nya sakin. Nag aalangan pa akong tanggapin ito ngunit kinuha ko rin naman.

Magkahawak kamay kaming naglakad papalabas ng bahay. Nilingon ko pa si Manang na nakapakalawak ngiti.

Ipinagbukas ako ng pintuan ni Alexis. Pagkatapos ay naglakad sya papasok sa driver seat.

Buong akala ko ay papaandarin na nya ang sasakyan kung kaya nagulat ako ng bigla syang dumukwang papalapit sakin.


Instinct ko na ang nagsabi sakin na kailangan kong pumikit dahil hahalikan nya ako. Ngunit nagulat nalang ako ng makarinig ako ng tunog na tila naglock kung kaya napamulagat ako.

"Seat belt." nakangising sabi ni Alexis. Puno ng panlulumo ang naramdaman ko sa puso ko. Ang buong akala ko ay hahalikan nya ako.

Hindi ko pinakita kay Alexis ang disappointment ko. First date namin to kaya hind ko dapat ito sirain.


Huminto kami sa isang cozy na restaurant. Hindi pa man ako nakakapasok ay sigurado ako kung gaano kaganda sa loob nun. At sigurado din na mamahalin ang mga pagkain na naroon.

Nang hawakan ni Alexis ang kamay ko para igiya papasok sa loob ay pinigilan ko sya.


"A-Alexis. Mukhang mamahalin dito. Okey na ako sa Jollibee o kahit sa Mcdo lang." nahihiyang sabi ko. Tinaasan nya ako ng kilay na tila ba hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.


"At sa tingin mo naman ay papayag ako? Come on Eliana. This is our first date. Dont ruin it." dahil nahalata ko ang iritasyon sa tinig nya kung kaya nagpatianod nalang ako sakanya.


Pumili sya ng table sa may dulo na pandalawahan. Inilibot ko ang paningin ako sa paligid at napansin kong iilan lang kaming naroon. At sigurado akong lahat ng naroon ay may mga sinabi sa buhay.

May lumapit samin na waiter at iniabot ang menu. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang presyo. Juiceko! Isang putahe lang pero ang presyo budget na namin sa ulam para sa isang buong linggo.


Hindi ako makapili dahil hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ba ang naroon.

"May napili kanaba?" tanong ni Alexis sakin.


"Pwede bang ganun nalang din sa inorder mo yung sakin?" nahihiyang tugon ko.


"Okey."

FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu