12

7.1K 160 7
                                    

❤Chapter 12❤

Naging normal na ang lahat sa amin ni Alexis. Tinanggal ko na rin ang mga insecurities na mayroon ako sa katawan ko.

Siguro nga hindi ako ang babaeng minamahal nya, pero handa akong maghintay hanggang sa matutunan nya rin akong mahalin.


Ganun naman talaga di ba? Basta mahal mo. Kahit gaano pa katagal matitiis mo.


"How is it?" tanong ni Alexis sakin. Linggo kasi ngayon at nagpresinta syang magluto.


"Masarap sya." nakangiting sabi ko habang ninanamnam ang pagkain na niluto nya.


"Talaga? Mas masarap pa sakin?" naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa tanong nya. Grabe ka talaga Alexis!

"Syempre...Mas masarap ka." mas lalong lumaki ang ngisi nya. Tumayo sya at nagpunta sa likod ng upuan ko. Ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko at niyakap ang bewang ko gamit ang isa nyang kamay.


"Thanks sweetie. Dahil hindi ka nagsasawa sakin."kung alam mo lang Alexis. Hinding hindi kita pagsasawaan...


"Sige na. Kumain kana. Masarap to kapag mainit pa."pinisil pa nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko bago sya bumalik sa upuan nya.


Sabay kaming napatingin sa bisita namin ngayong araw.


"Theo! Eliana!" masayang bati ng pinsan nyang si Stephanie. Kasama ang asawa nito.


Tumayo si Theo upang salubungin ang mga ito.


"Tara kain kayo." pag aaya nya sa mga ito. Medyo may kaumbukan nadin ang tiyan ng pinsan nya.


"Grasya yan. Di namin yan tatanggihan." nakangiting sabi ni Ivan habang nakikipag fistbump kay Theo. Ewan ko kung paano naging magkasundo ang dalawang ito. Hindi kasi ako nakapunta nung kasal nila dahil magkaaway kami ni Alexis nung time na yun.


"Kamusta kana Eliana?" nakangiting sabi ni Stephanie habang sinusubuan sya ng asawa nya. Grabe! Kainggit naman.

Bigla nalang ako napatingin kay Alexis na kausap ni Ivan. Ganun din kaya sya kasweet kapag naging mag asawa na kami?


Gaga! Huwag kang masyadong ilusyunada. Hindi ka pa nga nya mahal, tapos gusto mo pang maging asawa nya?!


"Okey naman ako." napasulyap ako sa asawa nyang si Ivan. "Napakaswerte mo sa asawa mo. Mukhang mahal na mahal ka nya noh?"


Bigla nalang syang napatawa.


"Kung alam mo lang kung ano ang napagdaanan ko para lang makarating kami sa ganito." binigyan nya ako ng isang makahulugang ngiti.


Hindi ko rin alam kung ano ba ang istorya ng buhay nila. Pero sa nakikita ko naman ay mukhang napaka perpekto ng relasyon nila.


Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin. Day off kasi ni Manang Lupe ngayon. Nasa sala naman si Alexis at Ivan. Habang si Stephanie ay nagpaiwan dito sa kusina para samahan ako.

"Nakakatuwa kayo ni Theo. Bagay na bagay kayong dalawa."napalingon ako sakanya. Nakaupo sya habang nakapakalumbaba sa lamesa.

"Talaga?" pinilit kong pigilan ang kilig na nararamdaman ko dahil sa sinabi nya ngunit di parin naitago ang ngiti ko sa mga labi.

"Mahal mo sya ano." hindi yun tanong kundi kompirmasyon. "Nung unang beses na nakita kita sa bahay namin. Alam kong may pagtingin ka sa pinsan ko pero hindi pa naman ganun kalalim. Siguro ay paghanga pa lamang iyon noon. Pero ngayon. Alam kong mas lumalim na ang nararamdaman mo para sakanya." tumayo sya at lumapit sakin.


"Mahal ko sya. Pero may iba syang mahal."


"Alam mo bang ayaw sakin ng asawa ko noon?" napatingin ako sakanya na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa malayo, tila ba nagbabalik tanaw sya. "Halos pandirihan nya ako. Hindi lang din basta galit ang nararamdaman nya sa akin noon kundi pagkamuhi. Halos araw araw ko din tinitiis ang sakit sa tuwing mangbababae sya. Bawat salitang binibitiwan nya sa akin noon ay tila mga patalim na unti unting himihiwa sa puso ko. Pero tiniis ko lahat yun kasi mahal ko sya. Buhat pagkabata ko minahal ko na sya." nakita kong namula ang mga mata ni Stephanie at may butil ng luhang kumawala dito. Pati ako ay nararamdaman ko ang bigat ng nararamdaman nya habang inaalala yun.


Nanatili lang akong tahimik habang nakikinig sakanya.


"Ayaw nyang magpakasal sakin noon, pero dahil nga mahal ko sya kaya kahit ang lumuhod sa harapan nya ay ginawa ko para lang mapasaakin sya. Napakadesperado ko ano? Mahal ko kasi sya. Hanggang sa dumating na sa punto na napagod na ako, lalo na nung pagtaksilan nila ako ng bestfriend ko. Sobrang sakit Eliana. Lalo na yung mga taong pinagkakatiwalaan mo ang nanakit at nanloko sayo."


"Hindi ko alam na ganyan pala ang pinagdaanan mo. Sa totoo lang kasi naiinggit ako sainyo ng asawa mo. Napaksweet nyo kasi sa isat isa."


"Dahil natapos na ang bagyo sa relasyon namin dalawa. Alam na namin ang mga pagkakamali namin noon. At ito ang nagsilbing gabay namin ngayon. Kaya ikaw Eliana. Di ko man alam kung ano ba ang meron sa inyo ng pinsan ko, pero sana ay huwag kang sumuko." hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito.


Hinaplos ko naman ang tiyan nya.


"Ilan buwan na?" tanong ko.


"Mag aanim."-Stephanie


"Mahirap ba?"- Ako


"Bakit? Gusto mo naba?" sabay kaming napatingin kay Alexis na nakahalukipkip sa may pintuan ng kusina. Gusto kong ipalamon ang sarili ko sa ilalim ng semento ng mga oras na yun. Grabe! Narinig nya.

"Bigyan mo na kasi Theo." sagot naman ni Ivan na kakapasok lang. Inakbayan nya kaagad si Stephanie at idinikit sa katawan nya. Kainggit talaga.


"Sige. Aalis na kami. Pasyal nalang kami ulit dito sa inyo kapag free time namin. Isasama namin si Tyler." paalam ni Stephanie.

Inihatid namin sila ni Alexis hanggang sa sasakyan nila. Kumaway pa muna si Stephanie sakin bago siya tuluyan sumakay.


Nang mawala na ang sasakyan ng mag asawa ay nagkatinginan kaming dalawa ni Alexis.


"Ano Eliana? Gusto mo nabang magka baby?" seryosong tanong nya. Ni wala ka man lang mababakas na biro sa tono ng pananalita nya.

Inirapan ko lang sya at naglakad na ako papasok ng bahay.




Papayag lang ako Alexis.. Kung mahal mo na ako....

FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt