5

9.4K 204 14
                                    

❤Chapter 5❤

Dala ng sobrang pagkainip ay tumayo ako at nagpalakad lakad sa may opisina ni Alexis.

Hindi parin ako makapaniwala na isinama nya ako dito. Feeling ko tuloy totoong girlfriend na nya ako.


Girlfriend? Huwag kang masyadong assuming dyan. Sinabi ba nyang girlfriend ka nya?

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa negatibong sinabi ng utak ko. Tama naman. Wala naman talagang label ang relasyon namin ni Alexis. At alam kong kapag umasa ako na magkakaroon. Sa huli ay ako lang ang masasaktan.


Nagawi ako sa mga librong naroon. Hindi sinasadya ay may masagi akong isa sa mga libro na naging dahilan para mahulog ito. Ngunit ng dadamputin ko na ito ay mayroong nahulog na litrato mula rito.


Daig ko pa ang sinaksak sa dibdib na makita ko kung sino ang nasa larawan. Si Alexis at ang babaeng nasisigurado kong si Daphne. Kahit sa litrato lang ay damang dama ko kung gaano kasaya si Alexis at kung gaano nya kamahal ang babae. Naiinggit ako sakanya. Dahil kahit hindi sya kasama ni Alexis ay sya parin ang mahal nito.



Napaangat ako ng tingin sa nagpahid ng luha mula sa mata ko. At nakita ko ang blangkong ekspresyon ni Alexis habang kinukuha sa kamay ko ang hawak hawak kong litrato.


Hindi ko mabasa kung ano ba ang nararamdaman nya ng mga oras na yun. Kung galit ba sya o malungkot. O kung bumalik ba ang sakit na nararamdaman nya dahil sa ginawang pag iwan sa kanya ng babaeng mahal nya. Mahal nya. Napakasakit tanggapin na habang mahal ko sya. Iba ang minamahal nya.


"Wag kang umiyak Eliana. Ayokong nakikitang umiiyak ka." nakita kong ibinulsa ni Alexis ang larawan. Kahit ganun lang ang ginawa nya ay nasaktan padin ako. Hindi nya kayang punitin ang larawang iyon dahil naroon ang babaeng kinababaliwan nya.



"O-Okey lang ako. Ahm. A-Alexis. Uuwi muna ako. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko." pagdadahilan ko.



"Ihahatid na kita." alok nya. Ngunit kaagad ko naman itong tinanggihan.



"Hindi na. Kaya ko ng umuwing mag isa."


"Are you sure?" paninigurado nya.



"Oo naman. Ako pa." pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na gustong gusto ko ng humagulgol.


Tatalikod na sana ako ng bigla nalang hawakan ni Alexis ang kamay ko kung kaya napalingon ako sakanya.


"Huwag mong isipin ang nakita mo Eliana. Daphne was part of my past. Kaya wala kang dapat na ipag alala." hinaplos nya ang pisngi ko at dinampian ng halik sa noo. "Ikaw na ang ngayon ko Eliana."


Napangiti nalang ako ng mapait. Oo parte na nga lang si Daphne ng nakaraan nya. Nakaraan na kahit kailan ay di nya kayang itapon.



"Alam ko naman yun Alexis."



"Im trying Eliana. Im trying so hard. Kaya sana tulungan mo ako. Huwag mo akong susukuan." malamlam ang mga mata ni Alexis habang nakatitig sakin.



"Huwag kang mag alala. Kahit di mo magawang mahalin ako. Mananatili parin ako sa tabi mo. Hanggang nararamdaman kong kailangan mo ako. Hinding hindi kita iiwan." Kasi mahal na mahal kita. Kahit na alam kong mahal na mahal mo sya. Nais ko pa sanang idagdag ngunit pinili ko nalang na sarilinin.


Pagkadating ko sa bahay ay kaagad akong sinalubong ni Manang Lupe.


"O Eliana. Akala ko ba kasama ka ni sir Theo. Bakit andito kana." tanong nya habang inilalapag ang tray na may lamang juice at maliit na slice ng cake.



"Bigla ho kasing sumama ang pakiramdam ko eh." pagdadahilan ko.



"Naku! Huwag ka na ngang maglihim sakin bata ka. Hindi ko man alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa inyong dalawa ni Sir Theo ay masasabi kong may nararamdaman ka para sakanya. At sa palagay ko'y ganun rin naman sya saiyo." kung di ko lang sana alam ang totoo ay matutuwa ako sa sinabi nya. Pero lolokohin ko lang ang sarili ko kapag tinanggap ko ang sinabi nya.


Naiiyak ako habang umiiling kay Manang Lupe. "Tama kayo sa sinabi nyong may nararamdaman ako para sakanya. Pero nagkakamali kayo sa sinabi nyong may nararamdaman sya para sakin." pinahid ko ang luha kong naglalandas sa pisngi ko.



"May ibang babaeng minamahal si Alexis. At kahit kailan ay di ko kayang palitan ang babaeng yun sa puso nya." hinahagod ni Manang Lupe ang likod ko habang pinapangaralan ako.



"Alam mo iha. Payong bilang nanay mo na. Hindi naman mahalaga kung may mahal na syang iba. Basta patunayan mo lang sakanya kung gaano mo sya kamahal. Iparamdam mo sakanya na sya lang ang tanging lalaki para sayo. Bigyan mo sya ng dahilan para mahalin ka nya."


"Kahit di nyo naman po sabihin yun ang ginagawa ko. Kaya lang po ay di ko mapigilang masaktan sa tuwing maaalala kong may mahal syang iba."


"Ang nakaraan ay nakaraan nalang Eliana. Hindi mo na ito mababago. Ang mahalaga ay ang sakalukuyan. Dahil dito nakasalalay ang maaaring mangyari sa hinaharap. Kung may naunang babae man syang minahal. Gawin mo ang lahat para ikaw na ang maging huli."pakiramdam ko ay bigla nalang natanggal ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahil sa sinabi Manang Lupe.


"Salamat po." tipid na sabi ko.



Kinagabihan ay wala parin si Alexis. Siguro nga ay marami syang ginagawa ngayon.


Narito lang ako sa kusina habang tinitingnan ang inihanda ko para sakanya. Sana lang ay magustuhan nya.

Halos sasalin ng kaba ang puso ko ng marinig ko ang pagbusina ng sasakyan nya. Hindi ko alam kung ilang beses ba akong kumuha ng hangin dahil pakiramd ko ay kakapusin na ako.



"Eliana?" rinig kong tawag ni Alexis kung kaya kaagad akong lumabas mula sa kusina.


"H-Hi."


"Kumain kanaba?" tanong nya sakin habang niluluwagan ang kurbatang suot nya.


Umiling naman ako. "Hindi pa. Hinihintay kasi kita." sagot ko. Nakita kong bahagyang napaawang ang kanyang labi at gumuhit rito ang isang mapang asar na ngiti.


"Hinintay mo ako?" tila amused na sabi nya.



"Ayaw mo ba?" balik tanong ko.


"Syempre gusto ko." masiglang sabi nya at inakbayan ako papasok sa kusina. Nang makita nya ang ayos ng mesa ay mas lalong lumaki ang ngisi nya. "Mukhang gusto mo akong makadate ah. Sana sinabi mo nalang para di kana napagod na maghanda."


Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko dahil sa sinabi nya. Gusto kong sisihin si Manang Lupe dahil sa mga kaeklavuhan na pinagawa nya sakin.


"Si Manang Lupe ang may gawa nyan. Di ako." pagsisinungaling ko. "Tsaka bakit ko naman gugustuhin na makipagdate sayo." sabi ko sabay irap para itago ang kabang nararamdaman ko.



"Really Eliana?" nakaramdam ako ng kilabot dahil sa hininga nyang tumatama sa tenga ko. "Ayaw mo talaga akong makadate?" napalunok ako ng ilang ulit.


Damn you Alexis!


"O-Oo." nauutal na sabi ko. Narinig ko naman ang pagtawa nya.


"Me too. Ayaw din kitang makadate." nasaktan ako dahil sa sinabi nya ngunit hindi ko pinakita sakanya na naapektuhan ako nito. "You know why Eliana?" napalingon ako sakanya na nakakunot ang noo.








"Dahil mas gusto kong kasama ka sa kama at kayakap ka."

FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now