29

6.6K 144 33
                                    

Chapter 29

Ngayon ang araw ng kasal ni Eliana pero wala akong balak na magpunta roon at panoorin sya kung paano maglakad papalapit sa lalaking ipinagpalit nya sakin.

Wala rin akong balak manggulo. Para saan pa? Wala rin naman akong ipinaglalaban pa.

"Shot, Theo." iniabot sakin ni Ivan ang basong naglalaman ng alak. Hindi ako tinantanan ni Stephanie hanggang hindi ako sumasama sakanilang mag asawa. Kaya narito ako ngayon sa bahay nila. Nakikipag inuman sa asawa nya.

Kinuha ko ang baso at itinungga ang laman nito. Ramdam ko ang init na dumaloy sa lalamunan ko pero mas matindi ang init na naramdaman ko sa mga mata ko.

"Bro. Bakit ganon? Minahal ko naman sya. Pero nagawa nya parin akong iwan at ipagpalit sa iba." alam ko nakakabakla man umiyak sa harapan nya ay diko na napigilan. Sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko at diko na ito kaya pang kimkimin. Kung hahayaan kong nakatago lang ito ay baka bigla nalang akong sumabog.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Ivan sa balikat ko.

"Ganun talaga. Siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa. Tingnan mo kami ni Steph. Pagkatapos nang lahat. Kami parin."

"Gusto kong umasa na magiging ka parin sa huli, pero tang ina! Paano kong gagawin yun kung sa mga oras na to, ikinakasal na sya." halos manikip ang dibdib ko dahil sa sinabi kong iyon. Kinakasal na sya. Fuck! Kinakasal na ang babaeng minamahal ko.

"Tama na Bro, lilipas din yan."sinalinan muli ni Ivan ng alak ang basong hawak ko. "Maswerte ako dahil mahal parin ako ni Stephanie sa kabila ng mga kasalanan na nagawa ko sakanya. Siguro kung nagkataon na may lalaki syang nakilala at natutunan nyang mahalin. Hindi ko na siguro alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko kayang makita si Steph na may kasamang iba. Lalong lalo na kung ang lalaking iyon pa ang papalit sa lugar ko sa buhay nya." napatingin ako kay Ivan na ngayon ay seryosong nakatingin sa lamesa.

"Alam ko naging gago ako noon para saktan at lokohin ang kagaya ni Stephanie na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako, hanggang sa isang araw napagod na sya at iniwan ako." napangisi ako matapos kong marinig ang sinabi nya. Dahil ako ang kasama ni Steph nung panahon na nagdadalang tao sya at walang ibang nararamdaman para kay Ivan kundi ang galit. "Halos mabaliw ako nung nawala sya. Ang sakit. Sobra. Iniisip ko kung kamusta na sya, kung may iba naba sya. Sa tuwing maiisip kong baka may iba na syang minamahal, nilulunod ko ang sarili ko sa alak. Nang sa ganun ay makalimutan ko sya kahit saglit lang.."

"Totoo nga siguro ang kasabihan." sagot ko sabay lagok sa alak. "Malalaman mo lang ang halaga, kapag wala na." mapait akong napangiti. Sana kung nalaman ko lang kaagad na si Eliana na ang nilalaman ng puso ko. Sana ay pinakasalan ko na sya nung panahon na mahal pa nya ako.

Tumayo ako dahil gusto ko syang makita kahit sa kahuli hulihang pagkakataon man lang..

"Oh? Saan ka pupunta Theo?" tanong ni Stephanie habang kalong si Tyra habang ang isang kamay ay nakahawak kay Tyler habang humahakbang pababa.

"I want to see her Steph. Kahit mahirap, kahit masakit. Gusto ko lang masaksihan ang pinaka mahalagang araw sa buhay nya, kahit na hindi ako ang lalaking naghihintay sakanya sa harap ng altar..."

Tumango sya at hinayaan akong makaalis.

Dont worry Steph.. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko.

Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa lugar kung saan idinadaos ang kasal ng babaeng mahal ko. Si Eliana.

Pagdating ko sa simbahan ay dahan dahan akong bumaba. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang ihakbang ang mga paa ko para lang makalapit sa pintuan. Itinago ko ang sarili ko sa dagat ng tao upang hindi nya ako makita.

"Ikaw Andrei Pierre Benitez, tinatanggap mo ba si Eliana Jade Sandivar bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa. Sa lungkot at saya, hanggang kamatayan man?" rinig kong tanong ng pari kay Andrei. Humarap sya kay Eliana at nginitian ito.

"Opo, Father." napapikit ako ng mariin matapos kong marinig ang sagot ni Andrei.

Isinuot nya ang singsing sa daliri ni Eliana. Damn! Dapat ako ang lalaking kasama ni Eliana sa harap ng altar at hindi sya. Kung di lang sana ako naging tanga. Ako sana yun...


"Ikaw Eliana Jade Sandivar, tinatanggap mo ba si Andrei Pierre Benitez bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa. Sa lungkot o saya, maging hanggang kamatayan man?" tanong ng pari kay Eliana.

Di ko mapigilan ang pumikit at piping manalangin.

Please sweetie. Say no. Please. Say no...

Nakarinig ako ng bulungan sa paligid dahil sa pananahimik ni Eliana. Nakita kong luminga linga sya sa paligid. Pagkatapos ay bumaling muli kay Andrei na ngayon ay malungkot na nakatingin kay Eliana.


Say no.. Please... Eliana...

Ngumiti sya kay Andrei na naging dahilan para tumalikod ako at maglakad papalayo sa lugar.

Ngunit hindi naging sapat ang layo ko upang matakasan pa ang salitang pumirat ng ilang ulit sa puso ko.


"Opo, Father."




Fuck! Ang sakit! Sana nabingi nalang ako para di ko na narinig ang isinagot nya....




You're so heartless sweetie. Kumatok ka sa puso ko, pinatuloy kita. Pero tang ina. Magnanakaw ka pala. Nilimas mo na lahat. Wala ka ng tinira. Iniwan mo pa akong sugatan at luhaan. Ngayon hindi ko na alam kung paano kita makakalimutan..

FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon