40

7.2K 155 30
                                    

[A/N : Kapit lang mga bhe. Malapit na ang wakas. Mga 10 chapters nalang siguro bago ang epilogue ^___^…]

Chapter 40

Magkahalong gulat at pagtataka ang magkahalong emosyon na nakita ko sa mukha ni Shiena.

"El.."

"Im sorry Shiena kung di ko sinabi sayo. Sa palagay ko kasi ay hindi ko naman na dapat pang ipagsabi yun." Iniiwas ko ang tingin ko sakanya at ibinaling sa ibang direksyon.

"Alam ba ni Andrei?" Tanong nya.

"Oo. Alam nya. Pero tinanggap nya kasi mahal nya ako." Bumaling akong muli sakanya. "Sino pala ang kapatid mo? Yung fiancee ni Alexis."

"Si Daphne." Di na ako nagulat ng sabihin nya yun. Ngayon napagtagni tagni ko na ang lahat. Kung bakit naroon sila ni Alexis.

"Sige na Shie. Iwan mo na muna ako." Alam kong kabastusan na talikuran sya ngunit yun lang ang tanging paraan para maitago ko ang luhang nagbabadyang tumulo saking mga mata.

Ikaapat na araw na buhat ng kuhanin ni Alexis si Axcel.

Nakatayo ako sa harapan ng bahay ng taong alam kong makakatulong sakin ngunit di ko alam kung tutulungan nya nga ba ako. Lalo na at galit sya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Iritadong sabi nito ng makita ako sa loob ng pamamahay nila. Napalingon samin si Ivan na abala sa pakikipaglaro sa anak nilang si Tyra.

"Steph.. Alam kong galit ka sakin. Pero sana naman ay tulungan mo ako." Tumawa sya. Tawang nang aasar.

"Pagkatapos ng ginawa mo sa pinsan ko? Sa palagay mo ba tutulungan kita?" Galit na sabi nito.

Lumuhod ako sa harapan nya. Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nya dahil sa ginawa ko.

"Nagmamakaawa ako Steph. Babae ka. May anak ka rin.. Alam mo kung gaano kasakit para sa akin ang mawalay sa aking anak—" Hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking sasabihin dahil pinutol na nya ito.

"Alam mo pala na masakit. Bakit nagawa mo sa pinsan ko?! Tumayo ka dyan dahil kahit magkakalyo pa ang tuhod mo. Di kita tutulungan. Kung nasasaktan ka man ngayon. Kulang pa yan sa lahat ng idinulot mong sakin kay Theo. Tinanggalan mo ng karapatan ang pinsan ko na maging ama!" Gigil na sabi nya. Tumayo si Ivan at niyakap si Steph para pakalmahin.

"Ang sama mo Eliana! Ang sama sama mo! Dumating ka lang ba sa buhay ng pinsan ko para pasakitan sya!? Niloko mo na nga sya ipinagkait mo pa sakanya ang anak nya! Ang kapal mo! Umalis kana habang nakakapag timpi pa ako."

Tumayo ako at nakipagsukatan ng tingin sakanya.

"Hindi mo alam ang nangyari kaya wala kang karapatan na husgahan ako. Nasaktan din ako. Naloko. Kaya ko lang nagawa ang lahat ng iyon dahil gusto ko ng matakasan lahat ng sakit na maaaring idulot sakin ng pagmamahal ko sakanya." Di ko na mapigilan ang maluha.

"Kung ganun. Isa kang malaking duwag! Higit kanino man mas matindi ang pinagdaanan kong sakit. Hindi lang ako minsan sinaktan. Hindi lang ako minsan niloko. Pero hindi dahilan yun para mawala ang pagmamahal ko sakanya.. Hindi ako humanap ng iba. Dahil kailanman ang isang pagkakamali ay di maitutuwid ng isa pang pagkakamali..."

Tagos sa puso ko lahat ng sinabi nya. Siguro kasalanan ko ngang talaga. Parang lumabas na gumanti ako sa panloloko ni Alexis sakin. Ginamit ko si Andrei para takasan ang lahat.
Napakawalang kwenta kong tao.

Walang lingon likod akong humakbang palabas ng bahay.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may humila na sa kamay ko. Pinahid ko ang luha ko bago humarap dito.

FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now