36

6.5K 146 24
                                    

Chapter 36

Pagkatapak ko palang ng aking paa sa lugar na aking tinakbuhan. Samu't saring ala ala ang sabay sabay na nagbalik sa aking isipan.

Pumikit ako at sinamyo ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha at nagsasayaw sa aking buhok.


Ang araw na inakala kong pinaka masalimuot na sandali ng aking buhay, ay sya rin palang araw na magpapabago sa aking buhay.

Si Alexis ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kulay ang madilim kong mundo, sya ang nagbigay sakin ng dahilan upang magpatuloy.


Tinuruan nya akong magmahal ng walang limitasyon. Magmahal na hindi iniisip ang aking sarili. Magpatuloy kahit na sobrang nasasaktan na.

Ngunit sa huli, sya ang lalaking nanakit at nagbigay ng dahilan para bumitaw ako.

Nilingon ko si Shiena habang may kausap sa kanyang cellphone. Ibinaling kong muli ang aking paningin sa mga kalesang naroon.

'Alexis..'

Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla itong manikip dahil sa labis na gulat. Kakababa lang nito ng cellphone nya mula sa kanyang tenga.

"Theo." labis ang aking pagkagulat nang marinig kong tinawag ni Shiena si Theo. Nagkunwari akong hindi sila nakikitang dalawa at inabala ang aking sarili sa napakagandang tanawin.

"Shien." sagot nito na nakapagpasimangot sakin. Nagsisi ako kung bakit pa ako lumingon. Bigla akong nakaramdam ng selos nang halikan ni Alexis si Shiena sa pisngi.

'What the F Eliana?! Naririnig mo ba ang sarili mo? Nagseselos?

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may humawak saking balikat.

"Okay ka lang ba Eliana?" nag aalalang tanong sakin ni Shiena. Pasimple kong sinulyapan si Theo. Bahagyang umangat ang kanyang labi dahil nahuli nya ang ginawa kong pagsulyap sakanya.

"O-Oo. A-Ayos lang." halos mapamura ako dahil sa aking pagkakautal. Hinawakan ni Shiena ang kamay ko at hinila ako papalapit kay Alexis.

"Si Theo nga pala, fiance ng ate ko.. Theo si Eliana. Best friend ko."

Halos manigas ang aking kamay hindi dahil sa pagdaop nito sa palad nito kundi dahil sa sinabi ni Shiena.

'Wag kang mag inarte! Buti nga sya fiancee palang. Ikaw nga kasal kana!'

"Nice meeting you Eliana." napatingin ako sa mga mata ni Alexis na blangkong nakatingin sakin. "Yung kamay ko. Pwede pakibitawan na.. Dyan ka naman magaling diba?"

Tila ako napaso sa pagkakahawak sakanya at napabitaw. Pakiramdam ko ay sinusunog ako ng kanyang mga titig kung kaya yumuko ako upang maiwasan ito.




"Theo, totoo bang may bahay ka dito?" tanong ni Shiena habang lulan kami ng sasakyan ni Alexis.


"Oo. Mahalaga kasi sakin ang lugar na to kung kaya ginusto kong manirahan dito. Ngunit ngayon. Plano ko nang ibenta ito." nagtama ang mga mata namin ni Alexis nang sumulyap sa rear view mirror. Ngunit sabay din na nag iwas.

"Bakit naman?" gusto kong kurutin si Shiena dahil sa pagkama usisa nito.


"Ganun naman diba? Kapag wala nang dahilan para ingatan mo pa ang isang bagay mas mabuti pang bitiwan mo na ito. Kesa sa patuloy ka lang aasa na isang araw babalik pang muli ang halaga nito para sayo." gaya ng nauna ay muli nanamang nagtama ang aming mga paningin.

FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt