37

6.4K 144 41
                                    

[A/N : SALAMAT SA PATULOY NYONG PAGBABASA NG MGA KWENTONG GINAGAWA KO KAHIT NA NATATAGALAN AKO SA PAG A UPDATE 😂😂😂✌...]

PARA SA INYONG LAHAT ANG CHAPTER NA TO...

_____

Chapter 37

Nakatitig ako kay Shiena habang kumakain kami. Kanina pa ako nangangating mag usisa sakanya tungkol kay Alexis.

"Spill it El. Alam kong may gusto kang sabihin sakin." nakangising sabi nya nang mahulu akong nakatitig sakanya. "Ano ba yun ha?"

Nagbaba ako ng tingin at tumitig sa pastang nasa harapan ko. Pinaglaruan ko ito gamit ang tinidor.

"Eliana.." untag ni Shiena sa akin. Humugot ako ng maraming hangin bago muling bumaling sa kanya..

"Si Theo. Sabi mo may bahay sya dito sa Vigan."

"Uhuh. Anong meron?" tanong nya. Pinanliitan nya ako ng mata at binigyan ako ng isang malisyosong ngiti. "Dont tell me type mo sya?"

'Kung alam mo lang Shiena. Kung alam mo lang...'

Umiling ako. "Gusto ko lang sanang makita yung bahay nya. Diba sabi nya binebenta na nya ito?"

Bumaling muli ang atensyon nya sa pagkain. "Oo. Yun ang sabi nya." Kibit balikat nitong sagot.

"Gusto ko sanang makita, kapag nagustuhan ko. Bibilhin ko."

"Paano yan? Di kita masasamahan kasi nakapangako ako kay Nanay na magba bonding kaming dalawa. Kung gusto mo. Tatawagan ko si Theo, para alamin yung exact location nung bahay nya dito sa Vigan."

'Yan talaga ang plano ko Shie. Ang makausap si Alexis ng kaming dalawa lang.'

Kagaya ng napag usapan namin ni Shie. Kinuha nya ang lugar kung saan naroon ang bahay ni Alexis. Wala naman talaga akong planong bilhin yun. Ang gusto ko lang ay malaman kung nasaan ito para mapuntahan ko sya at makausap ng sarilinan.

"Sorry talaga Eliana, bawi nalang ako sayo next time." hinging paumanhin sakin ni Shiena habang hinahatid ako papalabas sa bahay.

"Okay lang yun. Alam ko naman na namiss mo si Tita e. Pakamusta mo nalang ako sakanya." sabi ko sabay kaway sakanya.

Habang binabagtas ko ang daan papunt sa lugar kung saan naroon ang bahay ni Alexis ay abot abot ang dasal ko na sana ay hindi ako panghinaan ng loob kapag nagkaharap kaming dalawa.

E-143

Nasa tapat na ako nang gate ng bahay ni Alexis ngunit di ko mahanap ang tapang ko upang bumaba at magdoorbell dito.

Bungalow type ang bahay ngunit makikita ang ganda ng landscape sa lugar. Napakagandang pagmasdan ng mga bulaklak sa hardin nito. Nakakawala ng pagod.

Eliana! Walang mangyayari kung andyan ka lang sa sasakyan mo! Kausapin mo sya kung ayaw mong mawala ang anak mo sayo!

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng aking sasakyan. Inayos ko ang sarili ko at isinara ito.

Naglakad ako papalapit sa maliit na gate at pinindot ang doorbell nito.

Isang lalaki na hindi pa gaanong katandaan ang nagbukas sakin.

"Ano pong kailangan nyo mam?" magalang na tanong nito sakin. Ngumiti sya kung kaya sinuklian ko rin sya ng ngiti.

"Andyan po ba si Alexis?" tanong ko.

"Ah si Sir Theo po? Nasa may likod po. Nagpapakain ng isda. Halika po kayo. Sasamahan ko kayo." magalang na turan nito sakin.

Habang papalapit kami ng papalapit sa kinaroroonan ni Alexis. Palakas rin ng palakas ang kabog ng aking dibdib.

Halos mapanganga ako nang makitang tanging pantalon lamang ang suot suot ni Alexis. Kahit nakatalikod sya ay naroon parin ang kanyang kakisigan. Sa bawat pag unday ng kanyang kamay ay sya rin pag galaw ng kanyang mga muscles.

Stop it Eliana! Hindi ka nagpunta rito para maglaway sa katawan nya!

Isang pagtikhim ang nagpabalik sa aking katinuan. Paanong nangyari na nasa harapan ko na si Alexis? Ganoon naba ako nalulunod sa sobrang pagnanasa sakanya kung kaya nawala ako sa aking sarili.

Lumingon ako sa paligid. Kaming dalawa na lamang ang naroon.

"Ang sabi ko sa korte na lang tayo magkita. Kaya anong ginagawa mo dito Mrs. Benitez?" pormal na tanong nito habang pinupunasan ang kanyang pawis. Mula sa mukha pababa sa kanyang abs.

Syet! Abs!

"Ano? Magsasalita kaba o tititigan mo lang ako maghapon?" bakas ang iritasyon sa tinig nya. "Kung wala ka rin namang sasabihin. Makakaalis kana." akmang tatalikuran na nya ako ng hawakan ko sya sa kanyang braso upang pigilin.

"Alexis.. Gusto lang sana kitang makausap." tiningnan nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya. Tila naman ako napaso kung kaya napabitaw ako rito.

"Call me Theo, not Alexis. Mga importanteng tao lang ang may karapatang tawagin ako sa pangalan na yun." napayuko ako dahil sa pagkapahiya.

Bahagyang kumirot ang aking puso dahil sa sinabi nya. Ano pa nga bang aasahan ko? Wala na akong halaga sakanya kung kaya wala na akong karapatan pang tawagin sya sakanyang espesyal na pangalan.

"Theo.. Nandito ako para makiusap—" itinaas nya ang kamay nya upang patigilin ako sa aking pag sasalita.

"Umalis kana. Wala kang mapapala rito." naglakad na sya papalayo sakin. Dahil sa inis ko ay dumampot ako ng bato at inihagis ito sakanya.

"Fuck! What the hell Eliana!"

"Masaki ba Alexis? Hah? Masakit?" galit syang bumaling sakin habang nakahawak sa kanyang ulo.

Inis syang lumapit sakin. Hinila nya ang braso ko at inilapit ako sa katawan nya.

"Yung binato mo? Hindi Eliana! Dahil mas masakit ang ginawa mo dito!" itinuro nya ang kaliwang dibdib nya. "Hindi mo lang minsan sinaktan ang puso ko Eliana. Kundi paulit ulit!"

Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nya.

"Nasaktan kita Alexis? Sigurado kaba? Eh ako? Hindi mo ako tatanungin kung ano ang naramdaman ko nung niloko mo ako? Pinaasa? Pinaikot?" natawa ako ng mapakla ng makita ang gulat sa mukha nya.

"Naisip mo ba kung ano ang nararamdaman ko nung mga sandaling nakita ko kayong naghahalikan? Ang makita ang mga kamay mong naglalandas sa katawan nya? Naisip mo ba hah? Naisip mo ba?!"

"Eliana."

"I was there Alexis. Kitang kita ko kung paano mo sya halikan. Kung paano mo sya hawakan.." dahil sa ala alang iyon ay muling nanumbalik ang sakit sa aking puso.

Ang sabi nila nakakapaghilom daw ang panahon, ngunit bakit sa akin? Hanggang ngayon ramdam ko parin ang sakit.

Nalasahan ko ang alat ng luha sa aking bibig. Ngunit hindi ako nag abalang punasan ito.

"Umasa ako, na kaya mo rin akong mahalin. Pero nagkamali ako. Dahil nung makita ko kayong dalawa kinabukasan sa bahay mo habang hawak hawak ang isang kahita. Alam ko na.. na kahit minsan di ko sya nagawang palitan sa puso.. Ang sakit.. Sobra.."

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Alexis. Dahil sa ginawa nya ay mas lalo lamang bumuhos ang aking mga luha.


"Im sorry. Im so sorry Eliana... Hindi ko na magagawa pang itama ang mga pagkakamali ko noon, pero kung hahayaan mo ako, nais kong magsimula kasama ka, kasama ng anak natin, kasama ang anak nyo ni Andrei. Hayaan mong alagaan ko kayo."

Kinalas nya ang pagkakayakap sakin at tinitigan ako. Tumaas ang kamay nya upang pahirin ng kanyang hinlalaking daliri ang aking mga luha.


"Tanggapin mo ulit ako sa buhay mo Eliana. Pangako... Hinding hindi na kita sasaktan pa..."















FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDWhere stories live. Discover now