CHAPTER 45 -- Limang Taon

3.2K 71 69
                                    

(Final chapter na po ito...pero wala sanang violent reaction sa kung anumang kahahantungan ng kwentong 'to ha..wahahahaha...)



CHAPTER 45 -- LIMANG TAON

SHERI GONZALES



          Bigla akong nakaramdam ng sobrang pagka-ubo. Ubo ako ng ubo tapos na-feel ko na lang na may tubig na lumabas sa bibig ko.



          “Sheri,” narinig ko na namang may tumawag sa ‘kin.



          Iminulat ko yung mga mata ko at nakita ko si Keizer na nakaluhod sa tabi ko.



          Pagkakita ko sa kanya, agad akong bumangon at niyakap ko sya.



          “Wag mo na ulit gagawin yun ha!” Naiiyak na sabi ko sa kanya.



          Iniharap nya ako sa kanya tapos parang galit sya.



          “SAYO KO DAPAT SABIHIN YUN! WAG KA ULIT TATALON DUN SA SWIMMING POOL NG BASTA-BASTA! KUNG HINDI KO NAHAWAKAN ANG KAMAY MO, BAKA TULUYAN KA NG NALUNOD!” First time nya akong nasigawan.



          Natigilan ako at hindi ako makapagsalita. Tapos naramdaman ko na lang na umiiyak na ‘ko.



          Hinigit nya yung braso ko at niyakap ako.



          “I’m sorry, hindi ako galit. Natakot lang ako ng sobra sa ginawa mo,” mahinahong sabi nya.



          “Gusto ko lang naman na i-save ka,” umiiyak na sagot ko.



          “Bakit mo kailangang gawin yun?”



          “Eh kasi lasing ka tapos tumalon ka dyan sa pool nyo! May tendency kang malunod, ‘no!”



          Magkaharap na naman kami.



          “Sinong may sabi sayong lasing ako?” Halata sa boses nya na bad trip sya.



          “Di ba umiinom ka? Ang dami mo ng nainom, o.” Tinuro ko yung mga bote dun sa kabilang side nitong pool.



          “Wait for me here.” Tumayo sya.



          Nagpunta sya dun sa kabilang side at kinuha yung mga bote.



          “Ito ba ang sinasabi mo?” Tanong nya sa ‘kin nang makabalik sya.



          Tumango ako. Ibinaba nya yung mga dala nya.



          “Look.” Pinakita nya sa ‘kin yung mga bote. “Wala pa akong nabubuksan kahit isa dyan. Hindi pa ako nakaka-inom kahit isang patak, kaya hindi ako lasing,” explain nya.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon