CHAPTER 20 -- Defensive

2.8K 20 0
                                    

CHAPTER 20 -- DEFENSIVE

SHERI GONZALES



          “Sheri, aware ka naman na every August, club natin ang nire-request na mag-cover ng CTHM Week di ba?” Tanong sa akin ni Ms. Meryl.



(*CTHM: College of Tourism and Hospitality Management)



“Opo,” sagot ko.



“Ni-request tayo ulit. Bale, nandun tayo sa CTHM Night at lalo na sa Mr. and Ms. CTHM. Tayo din ang pinaki-usapan na mag-handle ng pictorial ng mga candidates para sa pageant.”



“Okay po.”



“As the president, ikaw na ang mag-assign sa mga members kung saan sila pupunta. Kindly give me the list ng sasama as soon as ma-complete mo.”



“Sige po. Gaano po ba kadami ang kasali sa pageant?”



“Ang alam ko 10 pairs sila.”



“Aasikasuhin ko na po sya ngayon.”



“Thank you. Text me if you got problems, ha,” bilin nya.



“Sure.” Iniwan ko na si Ms. Meryl para maayos ko yung mga members na sasama.



“Sinong isasama natin sa pictorial?” Tanong ni Apple nang malaman nya ang tungkol dun.



“Hmmm…iniisip kong isama si Ara, si Cloe, ikaw at si Tina.” Nakasama si Tina sa photographers’ club. Actually, six out of ten lang ang pumasa.



“Ikaw?”



“Syempre, kasama ako! Hahaha.”



“Gagawa na ako ng list ng mga sasama. Papirmahan na lang natin sa mga members as a sign of their confirmation.” Pagvolunteer ni Apple.



“Sige, thank you. Isama mo na din yung mag-aasikaso ng printing.”



Ginawa naman ni Apple yung list.



When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon