CHAPTER 28 -- Lonely Birthday to Me

2.7K 28 2
                                    

CHAPTER 28 -- LONELY BIRTHDAY TO ME

SHERI GONZALES



          “Sheri, ano ba talagang problema at sinaktan mo si Sam?” Tsk. Under investigation tuloy ako ni kuya.



          “Eh kasi naman kuya, yang si Sam napakagaling kumuha ng tutulong sa kanya!”



          “O, relax, hindi ako si Sam, wag kang magalit sa akin,” sabi ni kuya.



          “Nakakainis kasi, eh. Nahihiya tuloy ako dun sa kaibigan ko.”



          “Ano ba kasi ang nangyari?”



          “Kasi kuya may kaibigan ako, si Tina. Teammate sya ni Keizer kaya kami naging close. Nung nakasama ko sya before, sinabi nya sa akin na may gusto sya kay Sam,” kwento ko.



          “Tapos?”



          “Nalaman ni Tina na gusto ni Sam si Ate Cindy, syempre kahit hindi sabihin ni Tina, alam kong nasaktan sya sa nalaman nya. Pero itong si Samuel nung nagsabog yata si Lord ng kamanhidan eh gising na gising at sinalo lahat ng yun. Naki-usap sya kay Tina na tulungan syang mapasagot si Ate Cindy.”



          “So nagagalit ka in behalf of your friend, tama?” Tanong nya.



          “Oo. Pwede naman kasi na sa akin na lang sya nagpatulong! Eh di sana hindi naging ganon kasakit sa part ni Tina ang nangyari.”



          “Teka lang ha.” Tumayo si kuya at lumabas sa kwarto ko.



          Pagbalik nya kasama na nya si Sam.



          “Settle this. Hindi kayo matutulog hangga’t hindi kayo nag-aayos,” banta nya.



          “Hindi ako makikipag-ayos dyan kay Sheri kasi hindi ko naman alam kung bakit nya ako sinugod sa kwarto ko,” firm na sagot ni Sam.



          “Sam, I heard her side already. I guess may mali ka nga sa nangyari,” sabi ni kuya. “Pero Sheri, mali na hindi malaman ni Sam kung bakit ka nagagalit.”



          “Ayokong sabihin,” mataray na sagot ko kay kuya.



          “Tsk. Hindi matatapos ang issue na ‘to kapag hindi nya nalaman yung pagkakamali nya,” payo ni kuya.



          “Tama naman si kuya, Sheri. Malay ko ba kung bakit ka nagkakaganyan?” Sabat naman ni Sam.



          “Nagkamali ka sa pagpili ng tutulong sayo kanina,” sabi ko.



          “Si Tina? Anong mali dun?” Naguguluhang tanong nya.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon