CHAPTER 17 -- Ikaw kasi si Hanna

2.8K 18 0
                                    

CHAPTER 17 -- IKAW KASI SI HANNA

SHERI GONZALES



          “Well, you don’t have to surprise me. Sapat na sa ‘kin yung makasama kita sa birthday ko.” Ngumiti sya.



          Pwede naman palang ako na lang ang regalo, nag-isip pa ako ng bongga! Nyahahaha!



          “Ganon?”



          “Oo, kasi ikaw si Hanna.”



          First time nyang sinabi yung first name ko na Hanna. It sounded great.



          “Ako nga si Hanna. O ano naman ngayon?”



          “Tsk. Ikaw si Hanna, ang nakatadHANNA sa akin.” Ang lapad ng ngiti nya.



          Pumi-pick up line na din sya, ha! Hahahahaha.



          “Ang keso mo din ha! Tinapatan mo pa yung pick up line ko!” Tawa ako ng tawa.



          “Pwede bang ikaw lang ang may ganon? Hahaha.”



          Parang timang lang kaming dalawa. Pero masaya ako sa ganito.



          Nung niyakap ko sya kanina, kinilig talaga ako! Wahahahaha.



          “Let’s go?” Yaya nya.





          Pupunta nga pala kami sa bahay nila.



          “Sure.” Tumayo na kaming dalawa at pumunta na sa parking area.



          Sosyal na nag-iintern ‘to, mas bongga pa ang sasakyan kesa sa may-ari! Hahahaha!



          “Paano nga pala sina Kim at Apple?” Tanong nya nang nasa byahe na kami.



          “Sasabay na lang daw sila kay na Tina papunta sa inyo,” sagot ko. Invited din kasi yung dalawa eh, pati teammates nya.



          Pagdating namin sa bahay nila, malaki yung bahay nila pero parang wala namang party. Para ngang walang tao, eh. Asan yung mga bisita?



          Dun kami dumaan sa main door nila, kabog ang mga furniture! Halatang yamanechi! Hehehe.



          Wala pa din akong nasa-sight na mga people.



          “May party ka ba talaga?” Tanong ko.



          “Come.” Hinigit nya yung kamay ko.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon