CHAPTER 39 -- Happy Retreat Kay Sheri!

2.6K 27 5
                                    

CHAPTER 39 -- HAPPY RETREAT KAY SHERI!

SHERI GONZALES



          “Uuwi na ‘ko ha,” pagpapaalam ko kay Kim at Apple.



          “Bakit maaga kang uuwi?” Tanong ni Kim na sitting pretty dito sa office namin.



          “Hindi pa kasi ako nakakapag-pack ng gamit ko, eh,” sagot ko.



          “Saan ka pupunta?” Tanong ni Apple.



          “Wala ba kayong balak sumama sa retreat bukas?” Tanong ko dito sa dalawa.



          “WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Magkasabay na tawa nung dalawa.



          “Hahahahaha! Hay naku, Sheri, hahahahaha, ang galing mong mag-joke! Hahahaha!” Inuubo na sa pagtawa itong si Kim.



          Nakakainis, bakit sila tumatawa? Ano bang joke ang sinasabi nila?



          “Hindi ako nagjo-joke!” Naiiritang sagot ko kay Kim.



          “Hindi daw sya nagjo-joke!” Sabi ni Apple sabay apir kay Kim.



          Tumatawa pa din sila at mas lalo akong nabubwisit!



          “Ano ba kasing nakakatawa, ha?” Tanong ko.



          Hiningal na silang dalawa sa pagtawa.



          “Hay naku! Grabe ka magpatawa, napagod ako.” Hinihingal na sabi ni Kim.



          “Hindi ka nga nagjo-joke. Nag-iilusyon ka lang. Bakit ka magre-retreat bukas, eh di ba nasabi na ngang cancelled yun?” Paalala ni Apple.



          Owkay…napahiya ang lahi ko dun!



          “Nakalimutan ko, eh. Atska excited lang ako sa retreat,” sagot ko.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon