CHAPTER 40 -- Happy Retreat Kay Keizer!

2.4K 23 1
                                    

CHAPTER 40 -- HAPPY RETREAT KAY KEIZER!

KEIZER OLIVARES



          Saturday after Christmas break, bigla akong tinawagan ni Angela.



          (“Keizer, pwede ba tayong magkita?”)



          “Bakit?” Dry na tanong ko.



          (“Hindi na kita guguluhin after this day. I just want to have one last date with you.”)



          Anong nakain nito at nagkakaganyan sya?



          “Alam mo namang may girlfriend ako di ba?”



          (“Yeah I know. Pero kahit friendly date lang sana, please.”)



          “Anong nangyayari sayo? Bakit ka ganyan?”



          (“Na-realize ko lang na dapat pala nag-move on na ‘ko dati kasi naka-move on ka na. Pipilitin kong maka-move on din.”)



          “Pipilitin mong mag-move, pero gusto mong mag-date tayo?”



          (“For the last time, sana.”)



          “O sige, susunduin kita dyan sa inyo,” pagpayag ko.



          (“Thank you!”)



          After some time of thinking, bigla kong naisip na ang tanga ko talaga! Bakit ako pumayag? Pa’no kapag nalaman ‘to ni Sheri?



          Kung sabihin ko kaya sa kanya? Kaso last time na nag-away kami eh dahil din kay Angela. Sure akong maba-badtrip sya kapag nalaman nya ‘to.



          I-cancel ko na lang kaya yung date?



          Pero friendly date lang naman ‘to. Hindi naman siguro malalaman ni Sheri yung tungkol dito, hindi ko na lang sasabihin sa kanya.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon