CHAPTER 26 -- Insensitive

2.6K 21 0
                                    

CHAPTER 26 -- INSENSITIVE

SAM GONZALES



          “Cindy, siguro naman hindi ka manhid. At siguro, aware ka sa nararamdaman ko para sayo. First year pa lang kasi tayo, ikaw na yung gusto ko, eh. Hindi lang best friend ang tingin ko sayo. It’s more than that.”



          “Ang panget!”



          “Pangit pa din? Ang dami ko ng napraktis, ah!”



          “Kung ako si Cindy, hindi kita sasagutin.”



          “Tina, paano ba kasi?”



          Kami lang dalawa dito sa roof deck ng hotel namin. Mamaya kasi magtatapat na ako kay Cindy. Medyo matagal naming plinano ni Tina ang araw na ito.



          Although, simple lang naman yung preparations.



          “Sabihin mo yung gusto mong sabihin,” advice nya.



          “Eh yun naman talaga ang gusto kong sabihin, eh.”



          “Tsk. Wag kang magpraktis.”



          “Ano?”



          “Isipin mo ngayon lahat ng gusto mong sabihin sa kanya, pero wag mong pagpraktisan yung sasabihin mo. Makakalimutan mo din yang prinaktis mo kapag kausap mo na talaga sya.”



          “Ganun ba yun?”



          “Oo. Dapat spontaneous ka. Halata ng girls kapag praktisado yung sinasabi mo.”



          “Okay.”



When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon