CHAPTER 29 -- Ang Aking Savior, Mortal Enemy Pala?!

2.7K 20 1
                                    

CHAPTER 29 -- ANG AKING SAVIOR, MORTAL ENEMY PALA?!

SHERI GONZALES



          Bakit walang dumadaang taxi kung kelan ako nagmamadali? Tsk.



          Kung bakit ba naman kasi hindi ko agad na-check yung schedule ko ngayong araw na ito.



          Nang may dumaang bus sumakay na ako dun. Mas okay na ‘to kesa maghintay pa ako ng taxi.



          Pero grabe lungs! Puno yung bus. Standing ovation ang drama ko! Pinilit kong makapunta dun sa may gitnang part para naman kahit papano may makapitan ako.



          Nang tumingala ako para tingnan yung hawakan, puro kamay na yun. Wala ng space para sa akin, kaya naman sa sandalan na lang ako ng mga upuan kumapit.



          Ang sikip much! May dala pa akong bag ng camera ko. Bwisit.



          May tumapik sa balikat ko.



          “Babaeng maganda na mataray nagkita na naman tayo.” Nakangiti sya sa akin.



          Sino nga ba ‘to?



          “Sino ka nga ulit?” Tanong ko. Nakatayo din sya at magkatabi lang kami.



          “Hay, nakalimutan mo ang pangalan ko? Ako si Harold.”



          “Ah yung lalaking makulit sa Palmer’s Resort.” Naalala ko na sya.



          Bigla na lang nag-preno si kuyang driver at halos madala na kaming lahat hanggang dun sa unahan!



          “Kapit ka sa ‘kin,” offer nitong si Harold. Iniabot nya sa akin yung kaliwang braso nya. Yung kanang kamay nya nakahawak dun sa hawakan na nasa taas.



          “Wag na okay lang naman ako,” sabi ko sa kanya.



          “Wag ka ng mahiya. Baka mamaya pag nagpreno ulit, hindi ka na makapagbalanse ng maayos at matumba ka na talaga.” Halata naman yung concern sa boses nya.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon