CHAPTER 1 - 092782*****

6.3K 65 14
                                    

CHAPTER 1 – 092782*****

SHERI GONZALES



          “Sheri, di ba may practice kayo for recognition day?” Tanong ni Ate Cindy, friend ko.

          “Oo nga. Eh mamaya pa naman yun,” sagot ko.

          “Anong oras?”

          “1 pa.” Diretso pa din ako sa pag-eedit nitong mga pictures.

          “1?!” Gulat na tanong ni Ate Cindy.

          “Ate, kelangan paulit-ulit?”

          “Oo, kelangan paulit-ulit para malaman mong 1:15 na! Late ka na!”

          Napatayo ako bigla nang marinig ko ung oras. Naku po! Lagot na! May parusa pa naman ang mga nale-late sa practice!

          “Sige Ate Cindy! Ikaw na magtuloy nung ginagawa ko! Babye!” Tumakbo na ako palabas ng office ng org namin.

          In less than a minute narating ko ang auditorium kung saan gaganapin yung recognition. At syempre, hingal na hingal ako! Hoooooh!

          “Sheri!” Narinig ko ang tawag ni Kim.

          Agad akong lumapit dun sa designated chair ko.

          “Saan ka galing?” Tanong ni Kim nang makaupo ako.

          “Sa office. Buti na lang hindi pa nags-start.” Filipino time.

          “Kelan ba tayo nagka-activity na nag-start on time?” Natatawang sagot ni Apple na katabi ko din.

          “Hahaha! Oo nga.”

          “Ang dami naman kasing ka-echosan ng school natin eh. Pwede naman kasing hindi praktisin ang recognition,” reklamo ni Kim.

          “Tama! Busy pa naman sa org,” pagsang-ayon ko kay Kim.

          “Ako nga wala namang award pero nandito! Nakakainis!” Sabi naman ni Apple.

          Ito kasing school namin, madami talagang kaartehan sa katawan. Meron kaming recognition day taon-taon, every last week ng March. At ang recognition day dito sa school eh by level. May sariling recognition day ang bawat year.

          Third year na ako dito sa school na ito kaya sanay na ako sa ganitong palakad nila. At sanay na din ako na kailangang praktisin ng dalawang araw ang bawat galaw namin sa recognition day.

          Second day na ngayon actually. Required umattend lahat ng students. In my case, juniors kaming lahat na nandito sa auditorium.

          Prinaktis namin yung pagpasok sa auditorium at pag-upo sa aming mga upuan.



          “All the awardees are required to go to the back stage,” sabi nung MC.

          Tumayo kaming dalawa ni Kim.

          Hindi sa pagmamayabang pero may award ako. Among juniors sa college ko, I ranked number 2. Ehem! Hehe.

          Si Kim naman recipient ng isang special award for writing.

          Paulit-ulit lang yung ginawa dun sa praktis. Tapos nag-announce ng 10 minute break.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon