CHAPTER 34 -- I Can Wait to Have You

2.5K 21 0
                                    

CHAPTER 34 -- I CAN WAIT TO HAVE YOU



(pinag-isipan ko pa ng baonggang bongga kung bibigyan ko ba ng eksena si harold dito..hahaha..anyway na-realize ko na deserve naman nya na magkaroon ng sarili nyang chapter.hahaha..)



HAROLD CUEVAS



          Noong unang beses kong nakita si Sheri, akala ko sya yung ex ko. Kamukhang-kamukha nya eh. Nagulat nga ako.



          Kaya nung nalaman kong hindi, mas naging interesado ako sa kanya. Nilapitan ko pa noon si Keizer para alamin kung sino ba yung babae.



          “Keizer, kasama nyo ba yung babaeng yun?” Tinuro ko sa kanya si Sheri.



          “Bakit?” Tanong nya.



          “Anong pangalan nya atska may number ka ba nya?”



          “She’s taken,” masungit na sagot nya tapos umalis na sya.



          Tsk. Kaya naman pala ang sungit ni Keizer noon, nililigawan na pala nya si Sheri.



          Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko si Sheri kahit hindi ko pa sya ganoong nakikilala. Kahit na ang sungit-sungit nya, natutuwa ako sa kanya.



          Noong magkasama kami sa park ang dami kong naitawa dahil sa kanya. Lalo na sa pick up line nya.



“Ice ka ba?” Bigla nyang tinanong after ko syang pagtawanan at asarin.



Narinig ko na yun, eh.



          “Bakit? Kasi crush mo ‘ko?” Pagtutuloy ko sa banat nya.



          Ngumiti lang sya tapos umiling. Hindi yun ang sagot?



          Hmmmm…



          “Eh ano? Ah! Kasi masarap akong ihampas sa pader?”



          “Hindi pa din.” Ano pa bang sagot sa banat na yun?



          “Eh bakit?”



          “Kasi ang sarap mong tusuk-tusukin ng ice pick hanggang maging pino ka! Nakakabwisit ka!”



          Napatawa na talaga ako dun ng sobra. Akalain mong ang babaeng ‘to bumabanat ng ganon? Hahahahaha!



          “Yan ba ang natututunan mo kay Keizer?” Natatawang tanong ko sa kanya.



          “Hindi ‘no. Bagay lang talaga sayo yung banat na yun,” sagot nya.



          Tumahimik sya sandali habang ako naman eh natatawa pa din sa mga pinagsasabi nya.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon