CHAPTER 4 -- Betcha By Gulay!

3.7K 28 6
                                    

CHAPTER 4 -- BETCHA BY GULAY!

SHERI GONZALES

          “Ma, hindi ba pwedeng yung dress ko na lang last year yung isuot ko?” Tanong ko kay Mama habang sini-zipper nya yung damit ko.

          “Anak, bagay naman sayo ah. Ang ganda ganda mo nga!”

          Recognition Day kasi ngayon at required na naka-formal attire ang mga pupunta. Kaya naman itong si Mama career na career ang pagbibihis sa akin.



          Sya ang bumili ng dark pink mini dress na suot ko ngayon pati na rin itong sapatos ko na bumo-bonggang 4 inches ang heels!



          Feel na feel din ni Mama yung pagme-make-up sa akin pati kulot sya na din.

          “Ma, parang sobra naman na yata?” Yung ayos ko yung tinutukoy ko.



          “Sheri, light and simple lang yung make-up mo. Hindi ka kasi sanay ng naka-make-up kaya feeling mo sobra na.”

          Nang maayusan ako ni Mama, nagpunta na kami sa school.



          “Wow, Sheri, nagta-transform ka talaga kapag recognition day!” Natatawang bati sa akin ni Kim.

          “In love kasi kaya ganyan!” Sabat naman ni Apple.

          “Hindi ‘no! Si Mama kasi nag-ayos sa akin kaya ganyan,” sagot ko.

          “Pero kinilig ka sa date nyo?!” Kelangan iniiba ni Kim yung usapan?



          “Oo,” pag-amin ko! Totoo naman kasi! Haha.

          “Eh di ikaw na nga!” Sabay na sigaw ni Kim at Apple.

          After ng recognition, hindi muna nga ako umalis kagaya ng sinabi ni Keizer.

          Nilapitan nya ako after.



          “Sheri, congrats!” Sabi ni Keizer nang magkita kami.

          “Thank you! Congrats din!”

          “Thanks!” Ngumiti sya.

          “Teka, bakit nga pala hindi pa ako pwedeng umalis?” Anong meron????!



          “Ah, ano kasi…pwede ka bang sum--” Naputol yung sasabihin nya kasi biglang dumating si kuya!



          “Sheri, let’s go!” Yaya ni kuya.



          “Wait lang.”



          “Sya ba yung ka-date mo last time?” Tanong ni kuya sabay turo kay Keizer.



          Bigla naman akong nag-blush! Nakakahiya!



          “Ikaw ba ang ka-date nito?” Tanong naman nya kay Keizer nung hindi ako sumagot. Mahiya ka nga kuya! Feeling close?



When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon