CHAPTER 33 -- Pick Up Lines. Tsk!

2.4K 26 2
                                    

CHAPTER 33 -- PICK UP LINES. TSK!

SHERI GONZALES



          Pagpasok ko sa kwarto ni Ate Kelly nakita ko yung bag ko tapos chineck ko kaagad yung phone ko.



          May isa akong text message.



          “sheri,u cn use everything in my room,ha.wg kng mhihiya.anyway,kpg may gnwa sau c keiz sabihin mo kgd skn ha.” -- Ate Kelly



          Hay, sobrang late ko na palang nabasa ‘tong text. Almost 45 minutes ago na nung nareceive ko.



          “ate sori po ngaun ko lng nbasa ung txt mo.thank u po sa pagppagamit skn ng rum nyo.ssbhin ko po agd kpg may gnawa c keizer n hndi mgnda.hehe.thank u po ult :)” -- Ako



          Naligo na ako, pero paglabas ko sa banyo naka-bathrobe lang muna ako. Nahihiya talaga akong magbukas ng mga cabinet ni ate.



          I checked my phone kung nag-reply si ate.



          “ur alwys welcome.nga pla iopen mo ung drawer ko n nsa left side ng cabinet ko.bago ung mga un.pili k nlng.hehe.” -- Ate Kelly.



          Binuksan ko naman yung drawer na tinutukoy nya. Pagbukas ko mga bagong undies ang nandito. Halos lahat may tag pa.



          Sobrang nakakahiya na ‘to! Nung una akong nagpunta dito, ako ang unang gumamit nung bago nyang swimsuit, ngayon naman ako ang unang gagamit ng mga undies nya? Grabe.



          “thank u po ng sobrng dami ate!” -- Ako



          Kumuha na ako ng undies pati ng pantulog.



          Nang matapos ako sa pagbibihis, inayos ko yung laman ng bag ko. Then, inilagay ko yun sa tabi nitong cabinet ni ate, para hindi magmukhang makalat itong room nya.



          Sumilip ako sa bintana ni ate at nakita ko yung pool nila.



          Bumaba ako at pumunta ako dun.



          Nakatitig lang ako dito sa pool nila. Parang ang lamig ng tubig. Sana may swimming pool din kami sa bahay.



          Medyo malamig na sa labas kasi December na. Ang presko nga dito, eh.



          Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko.



          “Akala ko umuwi ka na,” sabi nya. Ipinatong nya yung baba nya sa left shoulder ko.



          Hindi ako umimik. Hindi rin naman sya nagsalita ulit, basta nakayakap pa rin sya sa akin.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon