CHAPTER 23 -- Nakakahilo

2.7K 40 5
                                    

CHAPTER 23 -- NAKAKAHILO

SHERI GONZALES



          “Kuya, excuse me po, yung paa nyo, pwedeng paki-move ng konti?” Kakainis naman itong si kuya, kita namang may nagpi-picture dito, ayaw munang umalis.



          Hindi man lang iginalaw ni kuya yung paa nya. “Ahm, kuya yung paa nyo po, excuse lang.” Ulit ko.



          Hindi ko sya matingnan kasi naka-focus pa din ang attention ko dito sa subject ko.



          “Kuya, yung paa mo po!” Sigaw ko.



          At ayun, lumipad na yung butterfly! Nakadapo kasi yun sa isang flower dito.



          Sa sobrang inis ko tumayo ako at tinarayan itong si kuyang nakakainis!



          “Hoy, alin sa excuse me ang…Keizer?!” Nagulat ako nang sya ang kaharap ko.



          How did he find me?



          “Finally,” sabi nya.



          Tumalikod ako para magwalk out nang biglang nag-play sa isip ko yung sinabi ni Kim kanina bago ako umalis.



          “Wag mong talikuran yung nararamdaman mo. Kung nagseselos ka o nagagalit ka man, face it. Harapin mo yung nararamdaman mo, wag mong taguan.”



          “Paano mo ‘ko nahanap?” I took Kim’s advice.



          “Instinct?” Kalokohan!



          “Instinct mo mukha mo! Paano nga?!” Demand ko.



          “Kim,” simpleng sagot nya.



          Kimberly Tecson lagot ka sa ‘kin!



          “Bakit mo ‘ko pinuntahan?” Mataray na tanong ko.



          “Kasi I know I have to explain, because somehow I’ve hurt you.”



          “Buti alam mo.” Mas cold pa sa yelo ang mga sagot ko.



          “Let’s talk,” yaya nya.



          “We’re talking.”



          “Sheri, alam kong hindi mo gusto yung nakita mo kaninang umaga. Yung kasabay ko si Angela. But let me explain on that. I just did her a favor. Hindi sya marunong mag-commute mag-isa at nagkataon naman na wala syang driver, kaya isinabay ko na sya papunta sa park,” paliwanag nya.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon