CHAPTER 37 -- When Love Ain't Just Enough

2.4K 24 0
                                    

CHAPTER 37 -- WHEN LOVE AIN'T JUST ENOUGH

SHERI GONZALES



“Keizer?” Nangilid na ang mga luha ko.



Lumapit ako unti-unti hanggang sa makita nya ako. Nag-blink ako nang nag-blink para hindi tumuloy yung luha ko.



“Sheri,” mahinang tawag nya.



I gave him a weak smile nang tinawag nya yung pangalan ko, pero alam kong naiiyak pa din ako.



“Anong meron?” Tanong ko habang mahigpit kong pinipigilan ang pag-iyak.



“Excuse me,” sabi ni Angela sabay alis dito sa pool area.



Kaya pala lagi silang magkasama. Kaya pala nagsisinungaling si Keizer. Kaya pala iba na ang nararamdaman ko sa relasyon namin.



May kahati na pala ako, hindi ko pa agad namalayan.



“Sheri, it’s not what you’re thinking,” sabi sa akin ni Keizer.



It’s not what I’m thinking?



Ano pang pwede mong isipin kapag nadatnan mong ang boyfriend mo at ang ex nya ay magkayakap?



Mas matatanggap ko pa sana kung si Angela lang ang nakita kong nakayakap kay Keizer, eh. Siguro maiisip ko pa na napilitan lang si Keizer. Pero yung makita kong nakayakap din si Keizer? That’s another story.



“Ano ba sa palagay mo ang iniisip ko?” Nakangiti kong tanong sa kanya.



“Ipapaliwanag ko yung nakita mo,” kinakabahang sagot nya.



“Okay.”



“Nagpunta dito si Angela kasi she formally ended what we had before. Tinanggap na nya na may girlfriend na ‘ko. That’s it, wala ng iba. Nagyakap kami as a sign na clear na yung dating kami.” Explain nya.



Alin kaya sa mga sinabi nya ang totoo? Mahirap magtiwala, pero dapat.



Ngumiti ako. “It’s a good thing na settled na yung sa inyong dalawa.”



“Yun lang ang sasabihin mo?” Tanong nya.



“May gusto ka pa bang sabihin ko?”



Hindi sya sumagot.



“Ah, may itatanong pala ako sayo,” sabi ko.



“Ano yun?”



“Andito pa ba si Tina?”



“Umuwi na sya.”



“Uwi na din tayo,” yaya ko sa kanya tapos tumalikod na ako para bumalik sa office.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon