S E V E N T E E N : Shelter

30 14 4
                                    

CHAPTER SEVENTEEN:
Shelter

Ilang oras noong makaalis si Max sa treehouse. Tahimik lamang si Charle sa isang tabi. Si Alice naman ay sinusubukan pagaanin ang atmosphere pero siguro ay hindi ito ang tamang panahon para dito.

Masyadong madaming nangyari. Sa isang gabi lang ay nawala na parang bula ang lahat. Nagaalala ako para kay Max. Siya na lang ang natira sa mga Chaser. Alam kong sanay siya sa lugar na ito lalo na sa labas ng dingding ng Chase pero ngayon ay magisa siya.

"Bakit mo siya hinayaang umalis, Charle?" tanong ko.

"Hindi ko siya responsibilidad, ginusto niyang umalis."

"Pero magisa lang siya, baka mapaha-" tiningnan ako ng masama ni Charle at kaya itinigil ko na lang ang pagsasalita.

Lumipas ang ilang oras at gabi, nandito pa rin kami sa tree house. Hindi pa rin nawawala ang pagala-galang zombies sa labas. Umunti na naman ang mga halimaw na naaligid sa amin.

"Charle!" tawag ni Alice. Nakaupo lang kami ngayon, wala akong magawa. Nakakabored na sa totoo lang.

Hindi pa rin mawala sa isip ko na ang dating masaya na Chase ay wala na ngayon. Hindi kapani-paniwala na patay na si Ed at ang lahat ng Chaser well, pwera kay Max na hindi namin alam kung nasaan na ngayon.

"Ano ba?" inis na sagot ni Charle habang nililinis ang sword na binigay ni Max sa kaniya.

"Bat ba ang init ng ulo mo?" tanong ni Alice. Hatala namang bored na rin siya at kinukulit na niya si Charle ngayon.

I just really like how she can lighten the mood. Kahit na gaano kabigat ang mga nangyayari, she can make a way to lighten everything. I adore her for that.

"Wala." maikling sagot ni Charle.

"Ano nga?" pangungulit ni Alice.

"Naiinis lang ako." sagot ni Charle.

"Saan?" tanong ni Alice, tiningnan naman siya ni Charle ng masama.

"Sa'yo, malamang."

"Sakin ba or kay Max?" pang-aasar ni Alice. Kung nakakamatay ang tingin siguro kanina pa patay si Alice.
Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa, tumingin naman sa akin si Charle ng masama kaya tumigil ako.

"See? pati si Zch, yun ang naiisip." sabi ni Alice.

"Luh? bat nadamay ako?" pagdepensa ko sa sarili ko. Mahirap na no. Babaeng to dinamay pa ako sa kagagahan niya.

"Wala akong pakealam kay Max." pagsisinungaling ni Charle. Yes. Alam kong nagsisinungaling siya, halata naman. Magaling magsinungaling si Charle pero hindi sa ngayon.

Simula ng umalis si Max, di na siya mapakali at maya't maya siyang natingin sa pintuan, umaasa na babalik si Max.

"Weh? Sabi ni Zch, sinungaling ka daw." sabi ni Alice, time ko naman para samaan siya ng tingin. Nababasa ba ng babaeng to ang nasa utak ko?

"Tigilan niyo na nga ako, matulog na kayo." utos sa amin ni Charle. Honestly, wala na nga kaming ginawa kundi matulog. Wala na akong itutulog sa totoo lang.

"Ayaw ko, need ko answers." sabi ni Alice sabay ngiti kay Charle na halatang napipikon  na sa kakulitan ni Alice.

"Labas ako diyan." sabi ko at pumunta sa isang sulok, di naman sobrang layo sa kanila. Ayaw ko lang madamay sa galit ni Charle.

Iba din kasi magalit to.

Nakakatakot.

"Ano bang gusto mong malaman?" seryosong tanong ni Charle.

"Do you care for here?" agad na tanong ni Alice.

"No. We already wasted months. I can't waste more. Kailangan nating matapos ang trial. End of the story. " seryosong sagot ni Charle. Sumimangot naman si Alice.

Totoo namang maraming oras kaming nasayang, imbis na matapos namin ang trial agad, we kind of side tracked, pero di ako agree na our time is wasted.

It is not a waste since we had fun. For once.

Too bad na nawala agad yun samin.

I had fun and alam ko na pati si Charle ay sumaya sa naging buhay namin sa Chase.


Maya-maya pa ay pumunta si Alice sa isang sulok at nahiga, mukhang tutulog na yata siya. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahinang hilik ni Alice.

Tumayo ako ng dahan-dahan at umupo sa tabi ni Charle na ngayon ay nanonood na lang ng buwan. Siguro ay malalim ang iniisip nito kaya hindi man lang narinig ang pagupo ko sa tabi niya.

Sa nakikita ko ngayon kay Charle, he wanted to cry and release the anger and frustration he has  pero pinili niyang itago ito and i totally understand him.

I hate it.

Bakit nga ba ganito ang expectation ng lahat para sa isang lalaki?

We are not allowed to cry or to break down kasi we are supposed to be strong.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"Sigurado ka?" tanong ko ulit. Tumingin siya sa akin at nagbuntong hininga.

"Wala naman akong choice." sagot niya.

"I know you're worried, she'll be okay. Trust me." sabi ko at tinapik ang likod niya. Ipinagpatuloy niya ang panonood sa buwan at mga bituin.

Namimiss ko na ang araw.

"Gusto ko ng umuwi." mahinang sambit ni Charle. Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang paghikbi ni Charle.

Umiiyak siya.

Nakayuko siya at nakatakio ang isang kamay sa kaniyang mukha.

"Namatay sila sa harap ko at wala akong nagawa." dagdag pa niya.

Masakit marinig ang boses ni Charle ngayon. He's too broken. Masyado siyang pressured sa role niya bilang leader namin to the point na he had to held back all his emotions.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Charle, alam kong walang kahit na anong salita ang makakapagpagaan ng loob niya. Hinayaan ko lang na umiyak siya, alam kong kailangan niyang mailabas lahat ng nararamdaman niya ngayon at nandito ako para makinig.

"Wala man lang akong naisalba kahit isa, kahit si Ed lang. Tapos ngayon si Max." sabi niya.

Tinapik ko muli ang kaniyang likod  Tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha niya.

"Sabi nga ni Alice, hindi lahat kaya nating tulungan." sabi ko sa kaniya.

"Si Max? Wag ka mag-alala dun. Mas malakas pa yun sa kalabaw." dagdag ko.

Bahagya naman siyang napatawa. Pinunasan niya ang luha niya at tumingala.

"Salamat Zch." sabi niya at nginitian ko na lang siya.

Mad HatterWhere stories live. Discover now