F I V E: Wake Up

63 20 11
                                    

CHAPTER FIVE:
Wake Up

"Welcome to the Killer Dream" Its cold, deep voice spoke. Nakatingin lang ito sa amin ng walang emosyon. Nakatingin siya sa amin na parang kami na ang pinakawalang kwentang tao na nabuhay sa mundo.

"The hell are you talking about?" Tanong ni Alice, nakatingin lamang sya sa lalake, ngunit hindi ito natinag, hindi man lang ito nakurap.

"You're hella creepy dude." sabi nya pa sa lalake. Ngunit biglang may anino na humila sa amin ni Charle. Hindi kami makasigaw dahil parang may nakatakip sa aming mga bibig. Ang hawak ng aninong ito ay para bang nasusunog. Hindi man kami nagkakasugat pero ramdam ko sa balat ko na nasusunog ako.Nakita ko ang pagtingin ni Alice sa may likuran nya kaya't sinubukan kong kunin ang atensyon na ngunit parang wala syang nakikita. Para bang may 1 way mirror sa pagitan namin ni Alice. Napatingin naman ako kay Charle na nagpupumigil sa hawak ng anino sa amin.

"Asan sila!?" Tanong nya sa lalake.

Tumingin ako kay Charle at sinubukang magsalita ngunit walang boses na lumabas sa aking bibig, hindi na nakatakip ang kamay ng anino sa aking bibig pero hindi pa rin ako makapagsalita at ganoon din si Charle.

Napansin ko ang bahagyang pagngiti ng lalaki. Nakakatakot ito pero iba ang sinasabi ng mga mata niya, parang nanghihingi ito ng tulong sa amin.

Pumalakpak ang lalake at itinali kami ni Charle ng anino sa isang podium at sa harap namin ay ang iba't ibang kulay ng mga lobo: green, red at itim.

"Zch! Charle! Okay lang ba kayo!?" Tanong nya sa amin ngunit hindi kami makasagot dahil hindi pa rin nawawala ang kung ano mang nakatakip sa aming mga bibig.


Malapit kay Alice ay isang maliit at pabilog na mesa kung saan may nakapatong baril at mga bala nito. Agad itong dinampot ni Alice at itinutok sa lalaki."Ano to ha? Ano!? Sagot!" Imbis na matakot ang lalaki, hindi siya gumalaw at hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"Kumalma ka lang." sagot ng lalake, tiningnan sya ng lalake sa mata at unti unting linapitan.

Nagpupumiglas si Charle upang makawala ngunit nabigo sya dahil na rin sa higpit ng pagkakatali sa amin.

Hinawakan ng lalake ang baril na nasa kamay ni Alice at itinutok sa sarili nitong ulo at ngumiti.

"S-sino ka?" Tanong ni Alice, halata na ang takot sa boses nya.

"I'm the ruler of this land." sagot nya.

"Tawagin mo na lang akong Calvie" dagdag pa nya.

"Anong ginagawa mo? Ano to?" Tanong ni Alice sabay turo sa aming dalawa ni Charle.

"This Dream is a Killer." sagot ni Calvie habang hindi inaalis ang nakakatakot nitong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.

"Kanina mo pa yan sinasabi eh, ano ba yang dream dream na yan ha?" pasigaw na tanong ni Alice. Halatang confused siya at the same time, takot.

"Kita mo yung mga lobo na yun?" Tanong nya kay Alice habang inalalayan sya nito palapit sa amin ni Charle.

"Siguro kasi may mata ako at hindi ako bulag" she sassed.

Mad HatterWhere stories live. Discover now