T W O: Head Start

142 25 29
                                    

CHAPTER TWO:
Head Start

"Trust No one." sambit nya bago kami lumabas ng headquarters. Makahulugan ang sinabi niyang iyon para sakin. Parang alam niya kung ano ang ginawa namin habang wala siya.

Hindi ko alam.

Binabantaan nya ba kami?

o

Pinapayuhan?

Lumingon sa direksyon ng propesor si Charle at sinabing.. "Sure thing, sir." Hindi pa rin nawawala ang ngisi nito. Ramdam ko ang tingin ng propesor sa amin habang naglalakad kami palayo ng headquarters.

Tuluyan na kaming lumabas ng headquarters at naglakad papunta sa cafeteria ng lugar na ito.
M

asyadong malaki ang lab na ito kaya natagalan bago kami makarating sa cafeteria.Pagdating namin dun, halos punuan na ang mga table. Katulad ng halos lahat ng mga silid, lahat dito ay puti. Mula sa mga dingding hanggang sa mga lamesa, lahat ay kulay puti.

"Humanap kayo ng upuan, ako na sa pagkain" sabi ni Alice at iniwan kaming dalawa ni Charle.

Lumingon lingon kami hanggang sa makakita kami ng isang bakanteng upuan sa hindi kalayuan. Pumunta kami doon at umupo.

"So what about the maze?" Tanong ko kay Charle pagkaupong pagkaupo pa lang namin.

"To be honest I don't know, we have a pea size of information here" He said, sarcasm filling his deep voice. Ngayon ko lang napansin ang pagkamalalim ng boses niya. Hindi naman siya nagsalita pa kaya't pinili ko na rin lang na manahimik.

Sa ngayon.

Tahimik lang kaming dalawa at hindi nagsalita hanggang sa dumating si Alice at ilinapag ang tray ng pagkain sa lamesa.

"Thanks." sabi ko kay Alice pero inirapan lang n'ya ako. "Anong thanks? Ano sabihin nyo na, anong meron?" Sunod-sunod nyang tanong sa amin.

"'Di pwede dito maraming tao, sa headquarters na lang" sagot ni Charle habang kinakain ang fried chicken nya.

"Nagiisip ka ba? Nandun si Jensen." sabi ni Alice.

"Sa kwarto syempre, tanga ka ba?" Tanong ni Charle sabay kagat ng chicken nya. Mukhang enjoy na enjoy siya sa pagkain niya.

Nilaro-laro ko lang ang pagkain sa harap ko. 'Di ko maiwasang mapabuntong hininga. Kinakabahan ako para samin bukas. God knows kung ano ang mangyayari samin.

"May problem ba, Zch?" tanong ni Alice sakin, umiling lang ako.

"Kung wala, kumain ka na. Marami pa tayong gagawin." sabi naman ni Charle, kaya't kumain na din ako.

"Bilisan n'yo kumain, baka mapatay ako ng curiosity ko" sabi ni Alice.

Kumain na kami ng tahimik hanggang sa nagsalita si Alice.


Hmm. Magaling si Alice sa pagpapagaan ng atmosphere. Tama lang siguro na magkakilakilala kami bago ang lahat.

"So, san kayo nakatira?" Tanong nya sa amin ni Charle.

Mad HatterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang