F I F T E E N : The Feast

2 2 0
                                    

CHAPTER 15:
The Feast

Zch

Nagising ako sa ingay sa labas, ganoon din si Charle. Agad kaming lumabas sa balkonahe upang icheck kung ano ang nangyayari. Maraming tao anf bumungad samin, masyado silang busy.

Oo nga pala.

Ngayon na yung handaan sa centro. Sumunod sa amin si Alice na kagigising lang, masyado siyang napagod sa ginawa naming pag-anim

"Anong meron?" tanong ni Alice.

"All for Juan, Juan for all."sagot ni Charle at pumasok na sa loob. Sumunod naman kami at naupo sa sofa sa salas.

"Inaantok pa ako." sabi ni Alice at humikab.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto, Di na namin kailangang buksan ang pinto dahil bukas naman ito, pumasok si Ed na may dalang tatong malalaking parang plastic.

"Hi, pinapadala to ni Ina at ama sa inyo." sabi niya at inilapag ang mga hawak niya sa lamesa sa harap namin.

"Ano ito?" tanong ni Alice at binuksan ang isa sa mga ito. Inilabas niya ang laman. May kulay itim na polo at itim na pantalon dito.

"Para saan 'to?" tanong ulit ni Alice. Hindi naguusap si Ed at Charle, more like hindi kinakausap ni Charle si Ed o kahit na si Max. Iwas pa rin siya sa kanila.

"Para yan mamaya." matipid na sagot ni Ed,  sanay na ako na tahimik si Ed. Kadalasan ang isang tanong, isang sagot siya pero iba ngayon, para bang may bumabagabag sa kaniya.

"Okay ka lang ba, Ed?" tanong ko.

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong oo." sabi niya at tumawa ng kaunti. Nagalala naman si Alice kaya't lumapit ito kay Ed.

"Anong problema?" tanong ni Alice.

"Basta, kung anong malalaman nyo ngayong gabi, huwag sana magbago ang tingin n'yo kay Max." sabi niya at nagpaalam samin. Umalis na rin siya dahil daw marami siyang gagawin.

Naiwan kaming tatlo, tahimik lang. Walang nagsasalita sa amin dahil binabagabag kami ng mga sinabi ni Ed.

Ano bang meron ngayong gabi?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Malakas ang tunog ng kampana sa centro, umalingaw-ngaw ito sa kabuoan ng Chase. Ibig sabihin lamang nito na oras na para magpunta kami doon. Isinuot namin ang mga dalang damit ni Ed.

Suot ko ay ang itim na polo at itim na pantalon, si Charle naman ay nakaputing polo at itim na pantalon. Si Alice naman ay nakaputing dress na hanggang tuhod, may mga bulaklak na kulay rosas na nakadikit sa taas na parte nito, nakalugay ang mahabang buhok ni Alice.

"Mukha kang tao." sabi ni Charle kay Alice na kakatapos lang magsuot ng sapatos niya.

"Ikaw mukha kang patay." sagot ni Alice.

Lumabas kami ng bahay, marami kaming kasabay na papunta sa centro, halos lahat ng tao sa Chase ay papunta dito.

Nang nakarating kami sa sentro, ibang-iba ang itsura nito sa nakasanayan namin. Maayos ito. Mas maliwanag at may  maliit na entablado sa may unahan. Naghanap kami ng mauupuan ng makita ni Alice si Ed sa isang lamesa doon, may mga bakanteng upuan naman sa tabi niya. Hinila kami ni Alice papunta doon at umupo sa tabi ni Ed.

Mad HatterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang